NAKAAALARMA hanggang ngayon ang pagkalat ng coronavirus, at ilang bansa na ang apektado. Nanganganib na rin magkaroon ng mga travel ban gaya sa bansang Japan o Italy. Kaya ang mga kababayan nating nagbabalak magbakasyon sa ating bansa ay naudlot o ipinagpaliban sa pangamba na ‘di agad makabalik sa pinanggalingan kung saan naroon ang kanilang trabaho lalo na ‘yung may pamilyang sinusuportahan dito.
***
Delikado talaga na humalo sa maraming tao lalo sa malls dahil malamig ang loob nito ‘di mo batid na ang mga katabi mo ay may taglay na COVID-19 lalo kung galing sa mga bansang apektado nito
***
Sa kasalukuyan ay naka-monitor ang Department of Health (DOH) at ang World Health Organization (WHO) sa lahat ng bansang apektado at mangilan-ngilang nadapuan ng COVID-19. Pero ‘di pa idinedeklara ang travel ban dahil kasalukuyang ginagamot at sumasailalim sa quarantine ang mga biktima nito gaya sa bansang Japan. Posibleng dahil apektado ang mga pasahero ng isang international cruise ship.
Kaya ingat sa mga mahilig sa Malls.
Gumamit ng face mask!
ISUMBONG MO
KAY DRAGON LADY
ni Amor Virata