Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kylie, ‘nagkala’t sa Metro Manila Summer Film Festival 2020

NA-BRIEF kaya si Kylie Versoza bago inumpisahan ang program ng 2020 Metro Manila Summer Film Festival nitong Lunes na ginanap sa Novotel, Araneta City dahil ang dami niyang bloopers.

Okay lang na namali siya sa pagbati niya ng, ‘good evening’ dahil baka nasanay siyang parating gabi ang event na dinadaluhan.

Pero ang ikinaloka ng lahat ay nasundan na ito nang nasundan pati pagbigkas ng mga pangalan ng kilalang personalidad lalo na ang National Artist na si Bienvenido Lumbera na ginawang ‘Lumbero’  malinaw naman siguro ang pagkakasulat o hindi lang nabasang mabuti ni Kylie?

Ang pagkakaalam kasi namin bago sumalang sa entablado ang mga host ng isang event ay binabasa nila ng paulit-ulit backstage ang lahat ng cue cards at ‘pag hindi nila alam ay nagpapaturo sila sa writer na gumawa nito.

At dapat inire-research din ng host ang tungkol sa event at kung ano ang layunin nito para may input siya in case kailangang i-stretch ang oras.

Baka naman first time ni Kylie mag-host ng event at kinakabahan kaya ganoon?  The more sana na inaral niya ang gagawin niya.

Anyway, naging running joke na lang ng mga dumalo si Kylie na para sumaya ang event, kunin ulit ang dalaga maging host, ha, ha, ha.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …