Sunday , December 22 2024

Naletse na ang ekonomiya

ISA-ISA nang nama­maalam ang mamu­muhunang dayuhan na magsasara ng kanilang negosyo sa bansa.

Ilan sa mga opisyal na nagpahayag na magsasara ng kanilang negosyo sa Filipinas ang Wells Fargo and Co., isang banko na aabot sa 700 ang nakatakdang mawalan ng trabaho. Ayon sa report ay 50 tech workers na lang ang ititira sa pagtatapos ng taon dahil sa down­sizing ng kompanya.

Isasara na rin ng mga kompanyang Honda Cars Philippines Inc., at Nissan Philippines ang kani-kanilang assembly plant sa bansa at may tig-700 bilang ng empleyado ang mawawalan ng hanapbuhay.

Ayon sa kompanyang Nissan, 28 porsiyento ang ibinagsak ng kanilang kita sa bansa at 6 porsiyento sa sales kaya’t magbabawas na sila ng 12,500 empleyado sa Filipinas, Indonesia, at Taiwan.

At nasa 700 tauhan din ang mawawalan ng trabaho sa pagsasara ng Nokia Technology Center Philippines sa Quezon City sa third quarter ngayong 2020 dahil sa humihigpit na kompetisyon at paglaki ng kanilang gastos, kaya kailangan nilang magbawas ng mga research and development office para mapanatili ang kanilang opera­syon.

Ikinalungkot ng masugid nating tagapakinig sa radio ang sinapit umano ng kanyang 3 pamangkin na ayon sa kanya ay dating mga guro pero nagbitiw sa unibersidad na pinapasukan at sa call centers lumipat.

Kamakailan daw ay sabay-sabay nawalan ng trabaho ang 3 nang magsara kamakailan ang pinapasukang call center na ang pangalan ng kompanya ay hindi niya nabanggit sa atin.

Paano kung sumunod na magsara ang ibang call centers na pawang negosyo ng US na nakapagbibigay sa libo-libong Filipino ng disenteng hanapbuhay?

Balitang ililipat ng mga magsasarang kompanya ng mga dayuhang bansa na kaalyado ng US ang kanilang negosyo at puhunan sa bansang India na mas mura ang labor kompara sa atin.

Pangunahing pakay ng kasalukuyang pagbisita ni President Donald Trump sa India, na ating napanood kahapon, ang pagpapalawak at pagpapalakas ng kasunduang pang-ekonomiya sa pagitan ng US at India.

Nagkakatotoo na ang ating pangamba na ibinabala natin sa ating programang ‘Lapid Fire’ sa posibleng ibinunga ng padaskol na desisyon ni Pang. Rodrigo “Digs” Duterte nang bumaklas sa visiting forces agreement (VFA).

Siyempre sentido-kumon lang na kapag nanganib ang seguridad ng US ay kasamang manganganib ang kanilang business interests at ng mga kaalyadong bansa laban sa iba’t ibang banta, pangunahin ang terorismo.

Sino nga ba naman ang nababaliw na mamu­muhunan kung walang seguridad at proteksiyon ang kanilang negosyo sa ating bansa?

Ang inaasahang pagbagsak ng pambansang kabuhayan ang pinakamalinaw na legacy ni Pang. Rodrigo “Digong” Duterte!

 

OFWs WALANG TULONG NA NAPAPALA SA OWWA, POEA POLO

BONG JANDUSAY – “I’m a retired OFW of Saudi Arabia. I love to hear your radio broadcast @ 10pm to 12 mn with Mr. Peter Talastas. Sana, Saturday meron din kayong program. Natutuwa ako sa mga banat mo sa mga tiwaling POEA, OWWA at POLO, mga hinayupak at mga walanghiyang mga inutil na mga tauhan. ‘Yang Dacdac na puro kabulaanan, mga ‘osnukala.’ Marami po akong hinanakit sa mga pinuno ng POEA, OWWA at POLO, 30 years akong OFW, pati na ang misis ko. Nag-retired akong OFW, kahit piso wala kaming napala sa OWWA at POEA, pati misis ko nagkasakit sa abroad at namatay as OFW nurse, walang naibigay kahit singko sentimos. Si Dacdac, sabi niya, ipapanukala niya na ang mga retired OFW ay mag­karoon ng pension at hospital na puwedeng maka­tulong sa mga OFW. Noo’ng lumapit ako sa POEA, ganoon din. Sabi ni Rosalinda Baldos, hindi naman daw na­aksidente, napu­tulan ng paa o kamay, o nabulag habang nasa ibang bansa. Kailangan pala masalanta para makakuha ng benepisyo, para mapakinabangan ang inihuhulog namin sa OWWA simula noong naging OFW kami. Mga walanghiya!”

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *