Sunday , December 22 2024

Imbes gobyerno, NGO sumaklolo sa OFW na si Jacqueline Makiling

POSIBLENG makabalik sa bansa si Jacqueline Makiling, ang OFW sa Saudi Arabia na ibinenta ng kanyang unang amo sa ibang employer na Arabo.

Ayon sa kanyang kaibigan, imbes ang Philippine Overseas Labor Office (POLO) at ibang ahensiya natin sa Saudi Arabia, isang non-government organization (NGO) ang tumugon upang si Makiling ay sagipin sa malupit na employer.

Ipinasa sa atin ang kopya ng mga mensahe ni Makiling at ang walang katuturang tugon sa kanya ni Hanz Dacdac, este Cacdac, ang administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Iisa ang laging tugon ni Cacdac sa mga mensahe sa kanya ni Makiling na humihingi ng tulong: “Saan ka ngayon Jacqueline?”

‘Yan ay kahit paulit-ulit din na binabanggit ni Makiling kay Cacdac ang saktong address na kinaroroonan sa Saudi.

Isa umanong kinatawan ng MIGRANTE sa Riyadh na nagngangalang John Bernot ang ngayo’y tumutulong sa distressed OFW at nakikipag-ugnayan para kombinsihin ang unang employer na sagutin ang plane ticket sa repatriation ni Makiling pabalik ng bansa.

Nasasaad naman talaga sa standard government approved contract ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang pagbabayad sa repatriation ay obligadong sagutin ng mga lisensiyadong local at foreign accredited agency na responsable sa deployment ng mga OFW.

Pero sa tulad ng kaso ni Makiling, ang mga tanggapan ng ating gobyerno sa foreign mission ang responsable na abonohan ang tiket mula sa pondo ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) upang mabilis na makauwi ang isang distressed OFW.

Ang aksiyon na dapat gawin ng gobyerno ay kasuhan ang local licensed at foreign accredited agency na responsable sa deployment at bangungot na sinapit ni Makiling sa kanyang malulupit na employer.

Sa katulad ng kaso ni Makiling, ang local licensed agency na nagpaalis sa kanya ay kinakasuhan at habambuhay nang tatanggalan ng lisensiya ng POEA, habang ang foreign accredited agency ay ipinapa-blacklist upang hindi na makapangalap ng OFW na kanilang ipapahamak.

Dapat din kompiskahin ng gobyerno ang nakalagak na cashbond ng local at Arabong recruiter ni Makiling dahil ‘yan ang alam nating parusa sa mga tulad nila.

Pero, posible lang maparusahan ang mga nagpaalis kay Makiling kung walang tinatanggap na retainer at padulas ang mga inutil na tiwaling opisyal at tauhan ng POEA at POLO na bulag sa mga paglabag ng local at foreign recruiters.

Abangan!

 

MAKUPAD ANG USAD SA EMISSION CENTERS

ISANG concerned citizen ang nagpadala ng mensahe kay JIA, reklamo niya ang makupad na usad sa Emission Centers:

“Gusto ko lang po sanang ipaalam sa inyo ang nagaganap na paghihirap na dinaranas ng mga motoristang kagaya ko sa pagkuha ng smoke emission test para sa sasakyan. Simula po noong nakaraang Disyembre hanggang sa kasalukuyan ay napakahirap pong maisalang sa Smoke Emission test ang mga sasakyang may Gas Engines dahil karamihan po sa Emission Centers ay 30 slots lang ang puwedeng i-accommodate. Dahil daw po ito sa ‘di pagre-renew ng DoTR sa mga accreditation ng mga Smoke Emission Centers na may paglabag sa panuntunan ng Departamento. Kaya ang nagsasakripisyo po ngayon ang mga motoristang kailangan nang iparehistro ang mga sasakyan. Sa aking karanansan po, kailangan kong pumunta sa Emission Center pasado hatinggabi lang upang makaabot o makasama sa 30 slots na puwedeng i-accommodate. Pagkatapos ko pong manood ng inyong programang Lapid Fire sa RJ DigiTV kasama si Ka Peter Talastas ay saka po ako nagtungo sa Emission Center at pagdating ko po roon ay pang-5 na po ako sa pila. Ganito po ang nagaganap sa karamihan ng mga Smoke Emission Centers sa buong Kamaynilaan. Nawa’y sa pamamagitan ng inyong pitak sa d’yaryo o sa inyong programa sa radyo at telebisyon ay maipabatid po sa kinauukulan ang suliraning ito at maipaalam din po sa ating mga motorista ang kanilang kailangang paghandaan sa prosesong ito. According to other motorists po, pati sa Taguig, Pasay, Parañaque, Pasig at Makati ay ganoon din po ang situation. Problema po talaga ang Smoke Emission Centers. Maraming Salamat po, mabuhay po kayo at pagpalain ng Poong Maykapal.”

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *