Monday , December 23 2024

Cristine, Xian, at Direk Sigrid, pare-parehong sadista

‘UBAS o Espada?’ ito ang naging running joke ng lahat pagkatapos mapanood ang pelikulang Untrue sa ginanap na premiere night sa Ortigas Cinema 1 and 2, Estancia Mall, Meralco Avenue, Pasig City nitong Lunes ng gabi na dinaluhan ng mga bidang sina Cristine Reyes, Xian Lim at ng direktor ng pelikula na si Sigrid Andrea Bernardo.

May eksena kasi sa pelikula na ipinaliwanag ni Xian (Joachim) kay Cristine (Mara) kung bakit ubas at espada ang hawak ng estatwang si Kartlis Deda na matatagpuan sa Tbilisi na base sa Wikipedia ay itinayo ito sa tuktok ng  Sololaki hill noong 1958 kasabay sa selebrasyon ng bansa sa kanilang 1500th anniversary.

At kaya ubas ang hawak sa kaliwang kamay ay para pakainin ang lahat ng papasok sa bansa nila at espada naman sa kanang kamay para protektahan ang bansa sa mga kalaban o kaaway.

Ubas ang pinili ni Mara (Cristine) nang tanungin siya ni Joachim kung ano ang pipiliin sa dalawa kasi hindi naman siya kaaway.  At sa eksenang ito na niyaya ng binata na magpakasal sila ng dalaga na nangyari naman pagkalipas ng tatlong buwang relasyon.

Pero mahalaga rin ang espada sa kuwento kaya panoorin ito ngayong araw, Pebrero 19 nationwide at produce ito ng Viva Films.

Sa mediacon nina Xian at Cristine at sa solo presscon ni direk Sigrid ay iisa ang tanong kung bakit sa bansang Georgia ang entire location ng pelikula, tanging sagot ng tatlo, “kasi bagay ang kuwento ng ‘Untrue’ sa Georgia.”

Oo nga, bagay na bagay at hindi nalalayo ang hitsura nina Joachim at Mara sa mga taga-Georgia at pasok din sa kuwento na winter ito kinunan dahil malaking bahagi rin ang alak dahil kasama ang nasabing bansa sa may best vineyard sa buong Europa.

Anyway, ‘he said, she said’ ang gist ng pelikula, pero kakaiba ang twist at ang ganda ng buong pelikula, mahusay talagang storyteller si direk Sigrid na siya ring nagsulat ng script, walang butas pati ang pinaka-maliit na detalye ay naipaliwanag niya, hindi katulad ng ibang pelikula na pag-iisipin ka o iniligaw ka.

Pero may mga ibang manonood din na gusto ang nag-iisip at naliligaw sila sa kuwento ng pelikula kaya nae-enjoy nila ang ganoon, pero sa kaso namin ay hindi kaya gustong-gusto namin lahat ng pelikula ni direk Sigrid dahil paglabas namin ng sinehan ay may sagot ang lahat ng tanong namin.

Sa huling panayam namin sa direktora ay tinanong namin kung inspired by true events ito para magkaroon siya ng idea, wala naman daw at naisip lang niyang magsulat ng kakaibang kuwento na sa tingin niya ay wala pang Filipino movie na nakagawa nito, psycho-thriller genre.

Mayroon kaming napanood na pelikulang pareho ang genre, ang pelikulang Silong (2015) nina Piolo Pascual, Guji Lorenzana, at Rhian Ramos na idinirehe nina Jeffrey Hidalgo at Roy Sevilla Ho. Isa ito sa pinakamagandang pelikula ni PJ.  Sana natatandaan pa ito ng lahat, hindi kasi maganda ang resulta sa box office.

Going back to Untrue, ang gagaling umarte ng mga bida! Kaya naman pala sobrang proud ang direktora kay Xian dahil ito ang best movie/role niya sa tagal niya sa showbiz at hindi na kinukuwestiyon ang acting ability ni Cristine, noon pa man hanga na kami sa kanya maski noong nagsisimula palang siya.  At hindi kompleto ang pelikula kung wala si Rhen Escano, unang pelikula niya ito bago ang Adan, pero kinakitaan na ng husay talaga, puring-puri siya ng lahat dahil mabait, masunurin at magaling, more movies para sa baguhang aktres na ito.

At higit sa lahat, ang angas mo direk Sigrid, iba ka rin, eh. Sa bawat eksena sa pelikula ay iniisip namin kung nakakailang takes ka dahil pati ang maliliit na basag na plato ay kailangan kunan, lalo na ang pagwawala nina Mara at Joachim. Susme, kaya naman pala mas lalong ‘nabaliw’ ang dalawang artista mo sa Untrue, ang sadista mong direktor, ha, ha, ha, pero mas baliw ka kina Xian at Cristine, sabi mo, ‘di ba, direk?

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *