Friday , November 15 2024

Jacqueline Makiling sagipin sa malupit na among Arabo

ITINAMPOK natin sa pitak na ito ang naka­babahalang kalagayan ni Jacqueline Makiling, isang OFW sa Saudi Arabia na humihingi ng tulong na makauwi sa bansa.

Taong 2014 nang umalis si Makiling patungong Saudi pero makalipas ang pitong buwan, ibinenta siya ng unang employer sa kasalukuyang amo.

Limang taon nang tinitiis ni Makiling ang mga pahirap at pang-aabuso sa kamay ng amo.

Si Makiling ay kasalukuyang beautician-therapist sa Pachouli Ladies Salon na pag-aari ng among si Fawziah Hamad Nasser Almeqbal, sa Almshagel St., Alsafta Butaydah Al Qassim, Saudi Arabia.

Pinagtatrabaho rin si Makiling bilang serbidora o waitress at tagabuhat ng mga gamit sa food catering business ng kanyang amo kaya’t laging hindi sapat ang kanyang pahinga.

Hindi pinapayagang makalabas si Makiling at ang pangako na aayusin ang kanyang mga papeles ay hindi rin tinupad ng malupit na amo.

Nagpasaklolo si Makiling sa isang kaibigan para maiparating sa mga kinauukulang tanggapan ng ating pamahalaan na tulungan siyang makauwi sa bansa.

Habang sumasahimpapawid ay naka­pa­nayam natin si Riyel, ang kaibigan ni Makiling, sa ating radio-TV program na ‘Lapid Fire’ sa DZRJ-810 Khz na napapanood sa Channel 224 ng Sky Cable nitong Huwebes.

Ilang saglit pagkatapos ng panayam ay nagpaabot ng mensahe si Riyel sa atin upang ipaalam na agad umanong tumawag si Hans Cacdac, administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), na nangako umanong papupuntahan si Makilng sa mga kinatawan ng pamahalaan.

Bago natin itinampok at isinahimpapawid ang kaso ni Makiling ay idinulog ng kanyang kaibigang si Riyel ang kaso sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Riyadh.

Pero ang sabi sa atin ay walang tugon ang POLO-Riyadh sa mga padalang email ni Riyel sa kanila.

Aabangan natin ang katuparan sa umano’y pangako ni Cacdac kay Makiling.

Ating tututukan ang kaso ni Makiling hangga’t hindi siya natutulungan na makauwi sa bansa ng mga kinauukulan sa mga walang silbing tanggapan ng pamahalaan.

BETERANONG OFW SA MIDDLE EAST

NOLI JACINTO – “Mabuhay po kayo! Gusto ko lang po ipaabot sa inyo na napakaganda ng inyong programa at makatotohanan sa pagbabalita at pagbibigay ng opinion sa ating lipunan. Sana, lahat ng media practitioner ay gawin o kung hindi man ay tularan ang pagiging makatotohanan sa pagbibigay ng tamang opinion para maliwanagan ang mga bawat issue sa ating bansa, lalo  sa kasalukuyang gobyerno natin. Mabuhay po kayo sa paglalathala sa diyaryo tungkol sa OFW sa Saudi. Sana kung maaari ay nakatawag ako sa inyong palatuntunan upang sa pamamagitan ninyo ay mas lalong maipaabot sa kinauukulan ang totoong nangyayari at dinaranas ng mga OFW dito sa Middle East. Siya nga po pala, 25 taon na akong nagwo-work sa Gitnang Silangan. Taos-pusong pasasalamat sa mabuting ginagawa ninyo upang mabuksan pa ang isip ng marami nating kababayan. God bless you and all your love ones.”

SI “GURANG” AT SI ‘LASPAG’

TIYAK na marami ang magtataka kung bakit laging magkasama ang isang dating mataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) at isang beerhouse dancer na sumikat sa social media.

Aba’y, ano kaya ang magiging reaksiyon ng publiko kapag nalamang madalas daw magkasama si retired PNP exec at si beerhouse dancer na nagre-relax sa isang SPA sa Quezon City?

Ayon sa ating impormante, laking gulat niya nang kanyang makasabay kamakailan ang parehong laos na ‘love birds’ sa naturang SPA.

Kaya naman napilitan siyang magtanong-tanong kung tama ba ang kanyang nakita.

Para sa malimit magtungo sa naturang SPA, hindi na raw pala balita ang pagtatagpo ng dalawa para sabay na mag-relax at lagi raw magkatabi ang kanilang kuwarto.

Pero ang hindi malinaw ay kung may pinto sa pagitan ng dalawang kuwarto ng gurang at ng laspag.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *