Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jane at RK, masyadong kampante sa isa’t isa (kahit sa lovescene ‘di nagkakailangan)

M INAHAL mo ba ako?”  ito ang kadalasang tanong ng mga nasa komplikadong relasyon.

Sa trailer ng bagong pelikula ng Regal Entertainment na Us Again nina RK Bagatsing at Jane Oneiza na mapapanood na sa Pebrero 26 ay kuwentong mag-bestfriend na masaya kapag magkasama.

Sa hindi inaasahang pangyayari ay nakagawa sila ng kasalanan dahil si RK ay may girlfriend, si Sarah Edwards na bff din ang trato kay Jane.

Sa ginanap na Us Again grand launch ay never pang nangyari kina RK at Jane na tinanong nila ang kanilang exes kung minahal sila dahil ang katwiran nila ay hindi naman aabot sa seryosong relasyon kung hindi sila minahal o nagmahal ng kanilang partner.

“Ako never kong tinanong kasi understandable na ‘yun at saka mararamdaman mo,” katwiran ni RK.

At si Jane, “ako hindi ko rin tinanong kasi trust lang din.”

Napansin ng media/bloggers/online writers na dumalo sa Us Again grand launch na masyadong kampante sa isa’t isa ang dalawang bida kaya’t natanong kung nagkaroon sila ng relasyon noong magkasama sila sa teleseryeng Araw Gabi (2018).

“Ay hindi po, wala po,” sabay sabi ng dalawa na nagkatawanan.

Baka lang kasi naging sila at baka naka-relate sila sa karakter nila sa Us Again.

Sabi ni Jane, “ako wala kasi once nag-decide na akong makipag-break, ‘yun na ‘yun, final decision na ayaw kong aatras ako sa salita ko. Kasi bago ako nakipaghiwalay, binibigyan ko naman lagi ng chance pero once na final na decision ko o siya (guy), final na talaga wala nang bawian.”

“Ako naman na-experience ko na ang ‘Us Again’ in many forms, maraming beses nag-break o cool off since hindi ka pa fully ready to move on with your life, tempting bumalik, nagkakabalikan. Pero kung nagkabalikan man kayo at hindi naman naayos kung ano ‘yung pinag-awayan dati, eh, doon din pupunta (break). Kaya wala na,” katwiran naman ni RK.

Sa huling mediacon ni RK na Cuddle Weather ay may girlfriend pa siya at inamin niyang hiwalay na sila noong nakaraang taon lang.

Kaya hindi naiwasang hindi tanungin sina RK at Jane na baka puwedeng maging sila since swak sila sa isa’t isa at kilala na nila ang bawat isa.

“Why not?  Maraming manliligaw dito (sabay tingin kay Jane) and since pareho kaming single,” tumawang sagot ng aktor.

Bale ba pinu-push ding maging sila RK at Jane dahil sa supporters nilang hindi sila iniwan simula noong Araw Gabi na tinawag na RKane.

Itong ‘Us Again,’ bunga ng fans na gustong magkatrabaho ulit kami at the end of the day, you do it for them naman so, matutuwa sila kasi grabe ang support nila sa amin,” saad ng aktor.

Dagdag ng aktres, “Ang tagal naming walang project together pero nandoon pa rin sila to support us kaya ito ‘yung present namin sa kanila.”

“Kaya sa lahat ng fandoms, kapit lang kayo,” nakangiting sabi ni RK.

Pati ba ‘yung umaasang magkatuluyan ang dalawa, kakapit din? “Malay n’yo?” sambit pa ng aktor.

Samantala, may love scenes ang dalawa at inamin ni Jane na ginawa nila iyon ng walang agam-agam dahil nga komportable sila sa isa’t isa dahil matagal na silang magkatrabaho at kilala ang isa’t isa.

“Hindi ako nailang sa mga eksena namin,” say ni Jane.

Girlfriend material naman si Jane, say ni RK, “yes definitely, I’m sure hindi lang ako ang nagsasabi niyan, maraming nagka-crush kay Jane. Oo naman crushie ‘yan. Nag-aabang sa next project.”

Gayundin si Jane, “oo naman, base sa napagsamahan naming ‘Araw Gabi’ at dito sa ‘Us Again,’ mabait, maalaga, may abs, crushie, hunk, at masayang kasama.”

At sa Araw ng mga Puso bukas, sila ang magkasama dahil sa promo ng Us Again na aabutin hanggang gabi.

Sa kabilang banda, kasama rin sa Us Again ang mga baguhang artista na sina Jin Macapagal (Bida Man grand winner) at Sarah Edwards mula sa direksiyon ni Joy Aquino handog ng Regal Entertainment, Inc..

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …