Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Open letter ni Xian kay Nadine, trending

LOOKING for contingency plan B!  ‘Yung pagbibigyan ko ng Mustang kapag hindi tinanggap ni Nadine. 18-26 years old, ‘yung hindi mukhang Tilapia,” ito ang post ni Xian Gaza, ang kontrobersiyal na na-link kina Erich Gonzales at Ella Cruz.

Naunang ipinost na ni Xian ang kanyang open letter kay Nadine Lustre na kasama ang litrato ng Bouquet of Mustang at ang caption.

“Dear Nadine Lustre,

First of all, Happy Valentine’s Week! Sana ay nagustuhan mo at nawa’y tanggapin mo ‘tong “Bouquet of Mustang” na regalo ko para sayo.

“Since my teenage days, KSP na talaga ako. Whenever I really like someone, gagawin ko ang lahat-lahat para makuha ang atensyon nung babaeng gusto ko in the grandest way possible within my means. Just like my ligaw efforts to Ella Cruz way back 2016 and so with my epic fail billboard for Erich last 2017.

“Three years after, here I am again. Nagpapapansin naman this time sayo. Maaari nanamang magmukhang tanga at katatawanan ng publiko but idgaf sa opinyon ng iba.

“This is me, this is how I express myself, this is the way I am.

“Maybe iisipin ng madlang people that this Ford Mustang is too much, na parang binibili kita at yung pagkababae mo. Nope! It’s just that my financial capacity at the moment is a little bit good and I believe that you deserve to be the first ever person in the Philippines to receive a “Bouquet of Mustang” as a Valentines gift because that’s how high I value you as a woman.

“All I want is to be your acquaintance, nothing more nothing less. Happy Valentines to you, Nadine.”

Maraming natawa at naaliw sa sinabing ito ni Xian at kaagad na nag-trending siya at pinagtabi ang litrato nila ng aktres.

Ang kaso hindi type ni Xian ang litrato niya na itinabi kay Nadine dahil, ”Umikot ako sa iba’t ibang bahagi ng mundo para magkaroon ng magagandang litrato tapos ang itatabi niyo kay Nadine eh yung nakaposas ako sa presinto? Grabe kayo. Hustisya”

Anyway, usap-usapan sa mga nakatanda ng kaso ni Xian na tungkol sa networking kung paano nakalusot ito at marami na naman siyang pera.

Ikinuwento ng binatang ama na may mga negosyo siya at milyones ang kita niya.

Aniya, ”6.7 million pesos ang netong kinita ko sa Sindicato Cristiano last month while 5.5 million pesos naman ang sinahod ko sa aking trabaho para sa buong buwan ng Enero. Last week ang kinita ko sa Macau ay 2.1 million pesos. A total of 14.3 million pesos for the last 5 weeks.

“’Yung 3M ay hiniwalay ko panghulog ngayong buwan sa aking mga kautangan while yung 7M ay ininvest ko sa isang surgical mask factory sa Pilipinas na kikita ng milyones kada linggo. ‘Yung 2M naman ang siyang pinambili ko ng “Bouquet of Mustang” for Nadine then yung sobrang 2.3M ay idinagdag ko sa aking savings.”

At may pinatutsadahan pa siya, ”Bago ka magsalita ng hindi maganda at magmagaling kung paano ko wawaldasin ang aking sariling pera, siguraduhin mo muna na kaya mo ring kumita ng 14 million pesos sa loob ng limang linggo. Alam mo bakit wala kang pag-asenso sa buhay? Kasi masyado kang magaling at palagi kang may say sa buhay ng ibang tao pero sarili mong buhay ay hindi mo maayos-ayos. Magandang hapon, ham pass loo pa.”

Samantala, may mga nagpadala ng litrato nila kay Xian para sa contingency plan B nito pero sinagot sila ng, ”maraming kape, maraming kape pa.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …