Tuesday , April 29 2025

Presidential spokesman on fake news si Panelo?

SUMIRKO ang Mala­cañang nang itinanggi ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Loren­zana na may direktiba si Pang. Rodrigo “Digs” Duterte na padalhan ng notice of termination ang Washington sa pagbu­wag ng Visiting Forces Agreement (VFA).

Hindi pa man natutu­yo ang laway ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nagsabing si Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Teodoro Locsin, Jr. ay naatasan agad padalhan ng notice of termination ang Washington, base sa direktiba ni Digs.

Ang pahayag ni Panelo ay tinawag na fake news ni Lorenzana, aniya:

“That is not accurate news. No formal notification yet according to (Executive Secretary Salvador Medialdea).”

Pero bago ipag-utos sa DFA ang pagsumite ng notice of termination, una na rin bumaliktad si Locsin na nagsabing “good move” ang banta ni Digs na bubuwagin ang VFA.

Matatandaang sinabi ni Locsin sa Senado na “vigorous review” ang kailangan sa VFA para sa pambansang interes.

Walang matinong nilalang ang maniniwala na fake news at hindi direktiba ni Digs ang pahayag ni Panelo sa kanyang text message sa mga miyembro ng media.

Mas kapani-paniwala na sadyang ipinabawi ang order sa takot na baka sila ang mapadalhan ng notice of termination na mapatalsik sa puwesto.

Ang mandato ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ay katapatan sa watawat, Saligang Batas at sambayanang Filipino, at hindi kung kani-kanino, na nasasaad sa Article II, Section 3:

“…The Armed Forces of the Philippines is the protector of the people and the State. Its goal is to secure the sovereignty of the State and the integrity of the national territory.”

Matapos siyang ilaglag, hangga’t nananatili si Panelo sa puwesto ay nakakapit sa kanyang kuwelyo ang stigma bilang Presidential Spokesman on Fake News.

At ang pag-atras sa bantang pagbuwag sa VFA ay hindi lang basta fake news, kung ‘di OFFICIAL FAKE NEWS pa ang tawag.

BELLO SABIT DIN SA FAKE NEWS

NAGHASIK na naman ng malaking kahihiyan si Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Silvestre Bello III sa maling pag-uulat na si Amalia Collado Daproza, isang migrant worker sa Dubai, United Arab Emirates (UAE), coronavirus ang ikinamatay.

Binuweltahan si Bello at agad naglabas ng pahayag ang Dubai Media Office base sa confirmatory test ng Pathology and Genetics Department ng Dubai Health Authority, anila:

“The cause of death was pneumonia and the woman had tested negative for novel corona­virus.”

Kaya naman humingi ng paumanhin si Bello pero hindi binanggit kung saan nasagap ang fake news sa pagkamatay ng OFW sa Dubai.

Kunsabagay, magtaka tayo kapag sa administrasyon ni Digs ay may naligaw na responsableng opisyal.

Santisima!

“SEN. STAPLER” NANGOPYA KAY MAYOR FRED LIM

HALATANG nangopya lang si Sen. Lito ‘Mr. Stapler’ Lapid at ang kanyang mga tauhan sa accomplishment ni dating Manila Mayor Alfredo Lim na malimit nating mabanggit sa ating malaganap na programa sa radyo.

Nagpaligoy-ligoy pa samantalang ang ibig lamang sabihin ng ng kanyang Senate Bill Senate Bill 1298 ay italaga at ideklarang evacuation center ang mga opisina ng gobyerno – national at local buildings – imbes ang mga paaralan kapag may kalamidad.

Saksi ang ating mga mababasa sa pitak na ito at masusugid na tagapakinig ng ating programa sa radyo sa malimit nating pagbanggit sa dalawang evacuations centers – sa Baseco at Del Pan sa Maynila – na naipatayo ni Lim dahil ayaw ng dating alkalde na mapinsala ang mga gusaling paaralan at maabala ang pagpasok ng mga mag-aaral.

Si Lim ang kauna-unahang alkalde sa buong bansa na kahit walang batas ay nakapagpatayo ng 2 evacuation centers sa Maynila.

Paano gagana ang mga nasa gobyerno ‘pag may kalamidad kung okupado ng evacuees ang kanilang mga opisina?

Aber, Senator Stapler!

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: lapidfire_14@yahoo.com)

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Imee, Camille, laglag sa endorsement ni Digong

AKSYON AGADni Almar Danguilan TABLADO kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sina senatorial candidates Senator Imee …

Firing Line Robert Roque

Tara, PNP, pustahan tayo!

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAHIRAP paniwalaan ang patuloy na paninindigan ng Philippine National …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Hustisya sa kuwaresma hatid ng PNP sa pamilya Que-Pabilio

AKSYON AGADni Almar Danguilan TUWING kuwaresma ang lahat ay nagpapahinga, nagbabaksyon, nagninilay, etc…dahil walang pasok …

Sipat Mat Vicencio

Masisikmura ba ng DDS na iboto si Imee?

SIPATni Mat Vicencio SA KABILA ng pambobola ni Senator Imee Marcos sa pamilyang Duterte, magagawa …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperado na si Camille Villar at ang paglaglag ni Sara sa PDP-Laban senatorial slate

AKSYON AGADni Almar Danguilan DAHIL sa ginawang pag-endoso ni Vice President Sara kina Senator Imee …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *