Sunday , December 22 2024

Si Sotto at ang marahas na paratang vs US at UK

NAGBABALA si Depar­tment of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra na kakasuhan ang mga irespon­sableng nagkakalat ng ‘fake news’ sa social media tungkol sa 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019-nCoV ARD).

Sa Department Order (DO) No. 052, inaatasan ang National Bureau of Investigation (NBI) na mag-imbestiga at magsagawa ng case build-up sa mga sadyang nagpapakalat ng maling impormasyon hinggil sa 2019-nCoV ARD, at kung may basehan ay agad sampahan ng kaso ang sinomang responsable sa likod ng fake news.

Mahigpit ang babala ni Guevarra, aniya:

“If the intent in causing the publication of false information is to create or aggravate public disorder, or undermine government efforts during a state of public emergency, and such publication is effected by means of information technology, appropriate charges under the Revised Penal Code in relation to the cybercrime prevention law may be filed against perpetrators.”

At sa kanyang pahayag, sabi ni Guevarra:

“The nCoV threat is a very serious public concern and no distraction of government efforts to overcome it will be tolerated.”

Ang hindi lang niliwanag ni Guevarra ay kung saklaw ng kanyang direktiba ang mga politiko at nasa pamahalaan na naglalako ng hindi beripikado at impormasyon na walang basehan.

Kung uunawain ang DO No. 052, dapat agad ipag-utos ni Guevarra sa NBI ang pag-imbestiga kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III na kamakailan ay naglabas ng mapanirang video habang isinasagawa ang pagdinig sa 2019-nCoV ARD.

Hindi lamang basta fake news ang video na iprenisinta ni Sotto sa plenaryo ng Senado kung ‘di nagtatampok sa malaking kabuhungan ng paninira laban sa gobyerno ng United States of America (USA) at United Kingdom (UK).

Ang video na mula sa You Tube channels na “The Atlantis Report,” “WorldTrends” at “Dialysis Atbp” ng mga nagpapakilalang ‘independent journalists’ ay marahas na paratang laban sa gobyerno ng mga bansang USA at UK na nasa likod at nagpakalat umano ng 2019-nCoV ARD.

Deretsahang tinukoy sa video na ang Central Intelligence Agency (CIA) ng US gov’t ang nasa likod at nagdala ng 2019-nCoV ARD sa bansang China.

Maliwanag na bilib at paniwala si Sotto sa nasa likod at may gawa ng video kaya’t itinampok ito sa opisyal na pagdinig ng Senado.

Nababahala tayo sa posibleng panganib na ibunga ng kapangahasan ni Sotto para sa bansa at mamamayang Filipino sa ginawang paglalabas nang walang basehang video.

Bale ba, laganap pa naman ngayon ang kabobohan sa bansa at ang nakararami rito sa atin ay mas naniniwala pa sa ‘fake news’ kaysa totoong balita.

At ang nakahihiya pa ay nalantad sa buong mundo kung anong klaseng mga iresponsable at kupal na mambabatas mayroon tayo sa bansa.

Pati ba ang naturingang pinakamataas na mambabatas at pangulo ng Senado ng Republika ng Filipinas ay kailangan pang gamitan ng microscope para maberipikang may utak?

Nakalimutan ni Sotto na kahit sino ay maka­gagawa ng hindi beripikado at walang basehang video ng mga paratang laban sa kanya.

Paano kung ang nasa likod ng kathang-isip na video na itinampok ni Sotto sa Senado ay nagkataong sympathizer pala o kakutsaba ng mga terorista at pinopondohan ng mga bansa na kaaway ng USA at UK?

Ang pinakamabigat na pagkakamali ni Sotto sa opisyal na pagtatampok sa video ay kanyang nailagay sa panganib ang mga bansang USA at UK.

Kung matatanong lang ang yumaong komedyante na si Mariano Contreras (alyas ‘Pugo’ o “Mang Nano”) sa kalokohang inilako ni Sotto sa Senado, tiyak na “Dasalasa non-sense” ang kanyang isasagot.

Itong si Sotto ang dapat unang sumailalim sa orientation sa sandaling maibalik ang pagtuturo ng Good Manners and Right Conduct (GMRC) sa mga paaralan.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *