Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel, binigyan ng kakaibang hitsura at musika ang bandang Jose Carlito

SAYANG at hindi nakarating si Daniel Padilla sa nakaraang launching ng music video ng single ng bandang Jose Carlito na may pamagat na Big White Wall na isinulat ng kapatid niyang si JC Padilla kasama ang ka-banda nito.

Base kasi sa kuwento ng direktor ng video na si Pewee Gonzales, napakakulit at mabusisi si Daniel sa music video ng kapatid niya. At sa ipinakitang behind the scenes ay ipinakitang nakatutok si DJ sa shoot ng Jose Carlito band bilang producer, assistant director, at stylist.  Itatanong sana namin kung ano ang peg ng aktor sa ginawa nilang video dahil kakaiba at wala pang gumawa nito among local artists.

Kuwento ni direk Pewee, “Ang daming pre-prod, ang daming meetings before mabuo roon kami sa bahay nina Carlito. Basta sabi ko maganda ito (music video) kakaiba, paulit-ulit (sinasabi) at wala silang (Jose Carlito band) idea kung ano.

“’Yung shoot itself madugo, pero madali lang ‘yung shoot, sunog nga lang sila lahat (tirik ang araw). Mga 6:00 a.m. gising na, shoot na, tapos inulan pa kami that day. 

Nakakakaba rin kasi ‘yung volks (wagen) na nirentahan namin walang seatbelt so baka mahuli kami.

“Si DJ (Daniel) at Tiny (Corpus) nagtulong for me as AD (assistant director), habang nakatutok ako sa screen, si DJ siya ‘yung (naka-radio) nagsasabing ‘o JC ito na ‘yung parteng kakanta ka’ habang nakasunod kami sa isang van. 

“Inabot kami ng gabi sa shoot, sobrang pro (professional) ng band at on cue lahat. Si DJ inalagaan niya ‘yung banda, actually ang kulit niya hanggang editing gusto niyang mapanood na. Nagpapasalamat kami sa mga editor kasi ang ganda at suntok sa buwan ‘yung pag-shoot namin kasi hindi namin alam paano i-edit kasi wala pang ginagawang ganoon.

“Si DJ din ang stylist sabi niya ‘ito ang damit natin, ito, ang kulit, sobrang tutok niya at maalaga, papasa na nga siyang PA, eh. Tapos siya pa ‘yung taga-pakain kapag may nadaanan kami (kainan), stop over muna kami sabi niya (DJ), ‘o kain muna tayo inom muna tayo dapat hydrated, ganoon siya kaalaga (ang buong team).”

Ang Johnny Moonlight aka Daniel Padilla ang nag-produce ng Big White Wall music video.

Tinanong naman ang grupo ng banda kung ano ang genre nila at halos iisa ang sagot, ‘fusion na may pagka-alternative, kasi ang influences namin Nirvana, Eagles, Aerosmith, Van Halen.

Sabi ni JC, “si kuya sobrang supportive sa amin at malaki ang tiwala niya at talagang pinu-push kami sa gusto namin.”

Ang Jose Carlito band ay binubuo ng limang miyembro pero hindi nakarating ang dalawa sa launching dahil may day job ‘yung isa at maysakit naman ang ikalawa.

Bukod tanging sina JC, Seth Gothico, at Katsumi Kabe lang ang present.

Samantala, ang launching naman ng single na Big White Wall ay sa Pebreo 21 (Biyernes), 8:00 p.m. sa ’70s Bistro, Anonas Street, Project 2, Quezon City at sa Pebrero 22 (Sabado) ay sa MYX at ABS-CBN Star Music’s YouTube channel.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …