Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lambingan ng LizQuen, tagos sa kilig

SA week 4-episode ng Make It With You nitong Martes ng gabi ay laging pinagtatagpo sina Liza Soberano (Billy) at Enrique Gil (Gabo/Gabriel) dahil pareho silang imbitado sa birthday party ng boss ng law firm ni Khalil Ramos (Isputnik).

Si Billy ang ka-date/girlfriend ni Isputnik sa party para patunayang hindi siya gay dahil tinutukso siya ng mga kapwa abogado sa opisina na wala siyang ipinakikilalang syota at bilang pagtanaw na rin ng utang na loob sa batang abogado dahil tinulungan siya sa kaso nito laban sa Villarica na may-ari ng Tinapay Corner hanggang sa naging business partners na sila.

Si Gabo/Gabriel naman ay dumalo sa party bilang representante ng tatay niyang si Ian Veneracion (Ted Villarica) na bagong kliyente ng law firm.

At ang karelasyon naman ni Gabo na si Rio (Katarina Rodriguez) ay dumalo rin dahil hindi nakarating ang lolo niya na matagal na ring kliyente.

Hindi maitago pareho nina Liza at Enrique na pareho silang may nararamdaman pa sa isa’t isa pero kailangan nilang pigilan dahil may karelasyon na ang huli, samantalang ang una naman ay inakalang may pag-asa pa silang magbalikan.

Sa kabilang banda ay nahahalata naman na ni Rio na laging balisa at wala sa sarili si Gabo kaya pilit nitong tinatanong kung ano ang problema ng katipan hanggang sa nakilala na niya si Bily at inaming nagkakilala sila noong nasa Croatia sila pareho. Hindi lang malinaw kung umamin ang binata na naging sila noon.

Anyway, tagos sa kilig ang LizQuen nakakadagdag pa ang theme song na Make it with You dahil na-LSS (last song syndrome) ang mga nakapanood.

Base sa episode na umere kagabi (Miyerkoles) ay ini-stalk ni Billy sina Gabo at Rio na masinsinang nag-uusap at dahil sweet ang dalawa kaya nagdesisyong tanggalin na sa isipan niya ang binata.

Sa kabilang banda ay alam na ni Gabo na si Billy ang kanyang guardian angel base sa sandalyas na suot ng dalaga noong may pudding tasting sila sa opisina ng una.

Labis namang nag-aalala ang tatay ni Billy na si Tony Dimaguiba (Herbert Bautista) dahil baka nga umaasa pa rin ang anak niya kay Gabo kaya’t tinanong ang inang si Iling Dimaguiba (Vangie Labalan) bilang babae kung may gusto pa ang dalaga sa binata at sinagot ng ‘mayroon pa.’

Mahaba pa ang tatakbuhin ng kuwento ng Make it with You lalo’t mag-aaral sa Paris, France si Billy ng advance course ng pagka-Chef na base sa episode na umere nitong Martes ay si Gabo pala ang nag-invest ng $1M para sa magagastos ng dalaga sa kanyang pag-aaral.

Abangan ang Make it with You gabi-gabi pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …