Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dimples, Beauty, at Andrea, nagka-iyakan

WALANG tigil na iyakan at yakapan ang nangyari sa buong cast pagkatapos ng Kadenang Ginto Finale Mediacon nitong Miyerkoles sa 9501 Restaurant ELJ Building ng ABS-CBN dahil sa 16 weeks silang magkakasama ay nakabuo na sila ng pamilya.

Magang-maga ang mga mata nina Dimples Romana, Francine Diaz, Andrea Brillantes, Seth Fedelin, at Beauty Gonzales dahil habang on-going ang Q and A ay may mga kanya-kanyang hugot na sila tungkol sa nalalapit na pagtatapos ng Kadenang Ginto.

Isa ang kuwento ni Andrea sa pinakinggan ng lahat dahil noong wala siyang show ay nakaramdam siya ng pag-iisa at hindi lubos maisip kung paano siya kikita lalo’t breadwinner siya.

Sabi ng batang aktres, “Gusto ko pong magpasalamat sa show na ito kasi bago po dumating ang ‘Kadenang Ginto’ sa akin, medyo lost po ako, tapos nagdarasal ako kay Lord na ‘Lord, sana, bigyan n’yo po ako ng show na mapatutunayan ko talaga ‘yung pag-acting ko, bigyan n’yo lang po ako ng blessing o opportunity, promise hindi po kayo magsisisi na binigyan n’yo ako ng opportunity, ibibigay ko po talaga lahat sa next blessing ko na ito talaga, Lord.”

Dagdag pa, ”Tapos, lumuhod pa talaga ako, umiiyak ako, ‘naku, Lord, please, sana bigyan N’yo ako ng chance.”

At kasunod niyon ay isang tawag para sa KG kaya abot-abot ang pasalamat niya hanggang sa finale mediacon. Walang sawang pinasasalamatan ni Andrea ang bumubuo ng Dreamscape Entertainment unit dahil pinagkatiwalaan siya.

Aniya, “Kailangan ko na po ng pera, kailangan ko pong mag-ipon at nang dumating nga po ang ‘Kadenang Ginto,’ dumating po ang endorsements, blessings na ilang years ko pong ipinagdasal at malapit na pong matapos ‘yung bahay ko, sa April (2020) na po. Pinangarap ko po talagang magkaroon ng bahay kasi nakakapagod po ‘yung laging nagre-rent, aalis ka pupunta ka sa bagong bahay na naman.”

Nabago rin ang buhay ni Seth, ”Sobrang malaki po ang binago sa buhay ng pamilya ko. Sobrang dami pong natulungan kaya hindi ko makalilimutan ‘to. Pati po sa pag-arte ko, marami akong natutuhan, kaya nagpapasalamat ako sa lahat lalo na po sa mga direktor na nagtiyaga sa akin.”

Lord, kung saan Mo ako dadalhin, susunod lang ako sa ‘Yo,” ito naman ang sabi ni Dimples at nabanggit niya na dahil sa programa ay naipagpatayo niya ng sariling bahay ang ina at matutustusan niya ang pag-aaral ng panganay na anak sa ibang bansa para maging lady pilot.

Aliw naman ang sabi ni Beauty, ”Muntik na akong naki-fiesta sa kapitbahay natin. Pero mas masarap pa rin ang pagkain sa ABS-CBN. So, bumalik po ako rito at kailangan kong patunayan ang sarili ko na hindi ko na kailangang magbayad ng writer para humaba ‘yung linya ko. Patunayan ko sa sarili ko na deserving ako kung nasaan ako ngayon.”

At dahil din sa programa ay nakatikim ng Best Actress award si Beauty mula sa Eduk Circle.

Natawa rin kami sa pahayag ni Hashtag Nikko Natividad dahil ang buong pamilya niya ay na-hook din sa Kadenang Ginto”mas una nga pong tinatanong kung anong susunod na mangyayari sa ‘Kadenang Ginto’ kaysa kumustahin ako.  Mas excited nga po sila sa napapanood nila kaysa padala ko.”

Anyway, ang grupong Gold Squad nina Seth, Andrea, Francine, at Kylie ay wala pang follow-up project pagkatapos ng KG pero hindi naman sila mawawala dahil tuloy-tuloy ang Youtube channel nila na mayroon silang 1.76M subscribers.

Abangan ang nalalapit na pagtatapos ng Kadenang Ginto dahil maraming pasabog na mangyayari  sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …