Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Erika Mae Salas, grateful mapabilang sa 26 Hours: Escape from Mamasapano

SOBRA ang kagalakan ng magaling na recording artist na si Erika Mae Salas nang mapasali siya sa pelikulang 26 hours: Escape From Mamasapano na tatampukan nina Edu Manzano, Ritz Azul, at Myrtle Sarrosa. Plano rin na kunin dito si Arjo Atayde bilang isa sa lead stars.

Sa ngayon ay hindi pa alam ni Erika Mae ang magiging papel niya rito, pero nagpahayag siya ng labis na kasiyahan. “As of now po ‘di ko pa po alam iyong magiging role ko sa movie, pero kahit po anong ibigay sa akin maliit man po ay very grateful and honored po ako na mapabilang sa movie,” saad ni Erika Mae.

Wika pa niya, “Sobrang saya ko po nang nalaman ko na kasama po ako sa movie. Very thankful po ako kay Tita Anne (Venancio) ‘coz she gave me this opportunity. Malaking boost po ito sa career ko. And thankful din po ako kay God dahil maganda ang pasok ng 2020 sa career ko. Hope­fully magtuloy-tuloy pa po ang mga blessing.

“This is my third movie po, iyong isa is under Time­less Pro­duction at iyong Spoken Words po under RLTV Production na napabilang sa official soundtrack ang single ko na Ako Nga Ba which is released by Viva Records and is now out on all digital store po.”

Hinggil naman sa kanyang singing career, ito ang nabanggit sa amin ni Erika Mae. “Well as of now I am trying to improve myself as a singer po by continuously attending voice lessons. I am preparing myself for a possible musical play and planning to take Conservatory of Music para ma-enhance pa lalo ang knowledge ko sa music,” aniya.

Anyway, ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, na siyang namumuno sa bagong tayong production company na Borracho Film Production, minarapat nilang gawing initial offering ang istorya ng tinuguriang “SAF44” sapagkat dapat malaman ng lahat ng Filipino kung anong tunay na nangyari sa Mamasapano. Matatandaang si Topacio rin ang abogado ng mga magulang ng SAF44 na nagsampa ng reklamong 44 counts ng Reckless Imprudence Resulting to Homicide sa Ombudsman laban kay dating Pangulong Benigno Aquino III at ang mga heneral na sina Alan Purisima at Getulio Napenas, na nagplano at nagsagawa ng Oplan: Exodus at nagresulta sa kamatayan ng SAF44.

Ang sumusulat ng script ay si Eric Ramos at ito’y pamamahalaan ni Direk Lawrence Fajardo.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …