Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joshua, ‘My Baby’ si Janella; sweet moments, huli ni Maja

I ’M rooting for them, ito ang sinabi ni Maja Salvador noong huli namin siyang nakausap sa thanksgiving presscon ng The Killer Bride para kina Joshua Garcia at Janella Salvador.

At sa production number ng JoshNella sa ASAP Natin ‘To para sa finale ng The Killer Bride ay kinunan ni Maja ang sweet moments ng dalawa, lalo’t inaasar ng batang aktor ang kanyang kapartner.

Obviously botong-boto si Maja na magkatuluyan ang pamangking si Janella at si Joshua.

Aliw ang fans ng tatlong personalidad dahil pati sila ay nakikigulo rin sa socmedia, boto rin sila sa JoshNella at sa ginaga­wa ni Maja na panu­nuk­so.

May kissing scene sina Joshua at Janella sa pagtatapos ng The Killer Bride noong Biyernes at hiyawan ang mga nanonood at base sa mga nakita naming video ay marami ang kinilig, kaloka.

Nakadagdag pa ang pang-aalaska ni Maja na nagsisilbing kupido sa JoshNella.

Sabi ni Maja sa post niya, ”Huuuu maa-unfollow ako neto.”

Kasi naman itong si Maja humirit sa video nina JoshNella ng, “that’s your Emma or your baby?” sagot kaagad ni Josh, “That’s my baby.”

Sana may follow-up ang JoshNella at sa malaking telon na sana pagkatapos ng Block Z nila ni Julia na ipalalabas na sa Enero 29 handog ng Star Cinema.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …