Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

iWant, ‘di nagpahuli sa mga aabangang show ngayong 2020

HINDI nagpahuli ang iWant sa kanilang line-up ngayong simula ng 2020 sa mga  teleseryeng ipalalabas ng ABS-CBN.

Sinumulan ng mga teleseryeng Make it with You at A Soldier’s Heart na parehong kinapitan kaagad ng manonood.

Samantalang ang iWant ay unang napanood ang Ampalaya Chronicles noong Enero 17 na napag-uusapan na ang romance comedy nina Khalil Ramos at Elisse Joson. Siguradong maraming makare-relate sa umaapaw na hugot at kasawian sa bagong seryeng base sa sikat na spoken word poetry na Ampalaya Monologues.

Huhusgahan naman ng madlang pipol ang unang digital series bilang producer at aktor na si Jodi Sta. Maria sa My Single Lady na love triangle kasama sina Ian Veneracion at Zanjoe Marudo na mapapanood na ngayong araw. Base sa nakapanood sa ginanap na screening nitong Linggo sa Trinoma Cinema 6 ay puro hagalpakan ang narinig namin, hindi lang sa drama mahusay ang aktres, sa comedy din.

Sa Enero 27, mga makabuluhang kuwento ng kasaysayan naman ang ibabahagi ng iWant sa docudrama na The Last Manilaners tungkol sa Jewish refugees na nakahanap ng tahanan sa Pilipinas noong panahon ng Holocaust.

Mapapanood na rin sa isang upuan ang original series na Ang Babae sa Septic Tank 3 ni Eugene Domingo sa panibagong movie cut nito na available na rin ngayon sa iWant.

Ang iba pang aabangan sa original iWant series ngayong 2020 ay ang I AM U nina Julia Barretto at Tony Labrusca; I nina Zanjoe Marudo at Lovi PoeThe Tapes nina Yassi Pressman at Sam Milby, at ang Sunday Night Fever nina Nathalie Hart at Diether Ocampo.

Pagkatapos naman ng second season ng Bagman series, dudugtungan din ng iWant ang pakikipagsapalaran ng mga minahal na karakter sa star-studded na Call Me Tita at HIV advocacy series na Mga Batang Poz na parehong magkakaroon ng ikalawang season.

Mapapanood na rin sa iWant ngayong 2020 ang award-winning biographical drama film na Quezon’s Game tungkol sa pagsagip ni Pangulo Manuel L. Quezon ng higit sa 1,000Jewish refugees mula sa Germany at Austria simula noong 1938.

Para mapanood ng originals na ito, i-download ang iWant app (iOs at Android) at mag-register dito gamit ang Facebook, mobile o email, at gumawa ng Kapamilya account.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …