Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Rubber duck’ ni Kit, pinagkaguluhan

KUNG wala lang sigurong mga karelasyon sa tunay na buhay sina Kit Thompson at Ivana Alawi ay bagay na bagay silang dalawa at maraming boto na maging sila.

Nakitaan kasi ng magandang chemistry ang dalawang sexy actors sa teleseryeng Mea Culpa: Sino ang May Sala kaya binigyan sila ng follow-up project na may working title na Ligaya.

Samantala, usap-usapan naman ang ipinost na larawan ni Kit sa kanyang IG account na nakahubad at tanging bula ng sabon ang nakatakip sa  private part.

Ang caption ng larawan ng aktor, “Rubber duck < Rubber elephant.”

Umabot sa 44.3K likes at 2,545 ang nagkomento sa pose ng binata kasama na ang producer niya sa pelikulang Belle Douleur na si Atty. Joji Alonso.

Ayon sa Quantum producer, “Sira ulo ka talaga @kitthompson! Sige ka, ilalabas ko sa director’s cut ang pinutol ko sa Belle!!!”

Sumagot ang aktor, “naku ibang level na ‘yung direk, ha, ha, ha.”

Lalaking Ivana naman ang komento ni Ivana sa ka-loveteam, “Ivano is dat you ha ha ha.”

“Ikaw pa rin lodi,” sagot ng binata kay Ivana.

May nabasa kaming komento pa ng netizens na masuwerte si Ivana at sila ni Kit ang magkasama at sana ay sila na sa totoong buhay.

“Daig mo pa ang Bulkang Taal sa pagsabog,” sabi naman ni awesomejohnwilfred.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …