Monday , December 23 2024

Life after death, ipakikita sa Nightshift

IBINASE ni Direk Yam Laranas ang kuwento ng latest movie niyang Nightshift sa nabasa niya sa New York Times, ang research ni Dr. Sam Parnia M.D., Ph.D, British associate professor of Medicine sa New York University Langone Medical Center at director of research into cardiopulmonary resuscitation.

“Nag pep talk siya, 2010, and he became popular, ang sabi niya kapag namatay ang isang tao at na-prove na ito ng lahat na kapag namamatay ang tao ang unang namamatay ay ang vital organs tapos katawan natin but surprisingly at maraming hindi nakaaalam na after you die pala, mayroon pang brain activity for 5 minutes or 10 minutes sometimes even longer pa kaya inire-research niya kung gaano katagal,” kuwento ng direktor.

Inamin ni direk Yam na nakipag-communicate siya kay Dr. Parnia para humingi ng impormasyon na kakailanganin niya sa kanyang script at ibinigay naman sa kanya lahat.

Isang buong gabi lang ang kuwento ng Nightshift na maraming nangyari na hindi makalilimutan ng karakter ni Yam Concepcion bilang Jessie.

Say ni direk Yam, “ang kuwento po nito ay nagkakaroon ng signs of the beginning of the apocalypse. Ito ang naramdaman ni Yam as Jessie, isang nurse na nag-night duty kasi ‘yung kapalit niya hindi nakarating kasi may bagyo. So, nangyari ito sa isang buong magdamag. Sa mga naniniwala mayroon daw trumpet sounds, mayroong dead moving at nag-iisa lang siya. So ang tanong, what if lahat ng patay that surrounds her ay hindi pa pala technically dead?”

Ayon naman kay Yam na matatakutin siya kaya ayaw niyang gumawa ng horror film, pero noong ikuwento sa kanya ni direk Yam ang buod ng Nightshift na tungkol sa cerebral brain ay nagka-interes na ang dalaga.

Sabi rin ni direk Yam,   hindi totoong sa morgue sila nag-shoot dahil hindi sila pinayagan bukod pa sa hindi kasya ang lahat ng gamit nila. Nagkataong may malaking lugar sa Veterans Hospital na hindi pa naaayos at ang team na lang ng direktor ang nag-ayos at pinalabas na morgue.

Say naman ng aktres na hindi rin niya kakayanin kung sakaling sa totoong morgue sila nag-shoot dahil nga matatakutin siya.

Bukod sa magandang script kaya tinanggap ni Yam ang Nightshift ay, “kasi gusto kong makatrabaho rin si direk Yam, I’m a fan of him. Pati nga boyfriend ko, fan ni direk, eh,” saad ng dalaga.

Sayang nga lang at hindi ito mapapanood ng boyfriend ni Yam na si Miguel CuUnjieng ang pelikula dahil bumalik na ng New York kahapon, Linggo.

“Too bad!” sambit naman ni direk Yam dahil gusto rin sana niyang mapanood ito ng boyfriend ng aktres bukod sa gusto nitong makilala dahil nga fan nga niya.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

 

About Reggee Bonoan

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *