Friday , November 15 2024

Bantayan si Batman, este, Bathan

PINALALABAS pang bida ni Southern Police District (SPD) chief Police Brig. Gen. Nolasco Bathan ang marahas na pag-agaw sa cellphone ng beteranong GMA-7 reporter na si Jun Veneracion sa Traslacion nitong nakaraang linggo.

Bagama’t humingi ng paumanhin sa insidente ay binibigyang katwiran pa ni Batman, este, Bathan ang kanyang kasalanan – kumbaga, siya na nga ang nagkamali ay gusto pang palabasin na siya ang tama.

Kesyo inakala raw niya kasi ay may bitbit na panganib ang reporter kaya’t kinompiska niya ang cellphone, sabi ni Bathan:

“I would like to apologize for what happened at Ayala Bridge during the procession of the Black Nazarene 2020 wherein I confiscated the cellphone of a media personality who was later on identified as Mr. Jun Veneracion of GMA 7 thinking he was someone who possessed threat during the procession.”

Para kay Bathan, wala raw mali sa kanyang ginawa dahil inakala raw niya na may dalang granada si Veneracion.

Aba’y, hindi ba insulto ang tawag diyan na pinagmukha pang terorista ni Bathan si Veneracion?

Sakali kayang hindi suot ni Bathan ang kanyang PNP uniform at pagtabihin sila ni Veneracion, sino kaya sa kanilang dalawa ang mukhang terorista?

Your guess is as good as mine, sabi nga!

Palusot pa nga ni Bathan nu’ng una, hindi raw niya agad namukhaan si Veneracion ang kumukuha ng video habang isang lalake ang sakal sa leeg at pinagtutulungan ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP).

Pero ang mga pahayag ni Bathan ay hindi tugma sa kanyang boses na nasagap sa video ng cellphone ni Veneracion.

Hindi naman ikinaila ni Batahan na kanyang boses ang nagsasalita sa video, ang sabi niya:

“Burahin mo, burahin mo kuha ni Jun Veneracion. P******** nagku-kwan eh.”

Ibig sabihin, bago ang cellphone snatching ay kilala ni Bathan ang reporter.

Sa katotohanan, reporter man o hindi, ay labag sa batas ang pang-aagaw ng cellphone.

At masyadong marahas ang ginawang pagtrato ng PNP sa lalake na sinasakal at pinagtutulungan ng mga tauhan ng PNP.

Hindi ba mula’t sapul, ang Traslacion isang religious exercise at mahabang tradisyon nang isinasagawa?

Sa aking pagkakatanda, si Veneracion ay nagsimula bilang reporter ng RPN 9, at taong 1995 ay nakasama namin kumober sa 50th Anniversary ng United Nations na dinaluhan ni dating Pang. Fidel V. Ramos sa New York, USA.

Si Veneracion ay responsable at respetadong mamamahayag, hindi natin kailanman nabalitaan na nasangkot ang pangalan sa kalokohan.

Kaya naman si Veneracion ay mas may maipagmamalaking kompara kay Bathan kung kredibilidad ang pag-uusapan.

Ang masaklap ay tila yata walang balak ang PNP na patawan ng disiplina si Bathan at kastiguhin sa ginawa kay Veneracion na tumutupad lamang ng kanyang tungkulin bilang isang mamamahayag.

Kunsabagay, una palang ay nasibak na sana si Bathan kung totohanan ang direktiba ni PNP Officer-in-Charge Police Lt. Gen. Archie Gamboa laban sa “hebigat” o overweight na pulis.

Hindi ba’t ang ginawa kay Veneracion ay maliwanag na paglabag sa malayang pamamahayag na ginagarantiyahan sa ating Saligang Batas?

At sa tono ng kanyang mga pananalita ay bakas ang kawalan ng sinseridad sa paghingi ni Bathan ng paumanhin.

Ang mga tulad ni Bathan sa PNP ay maituturing na malaking banta at panganib sa malayang pamamahyag.

Bantayan natin si Bathan! (Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *