Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Kambingan’ ng BI sa DMIA

SINIMULAN na raw ipatupad ng Bureau of Immigration (BI) ang direktiba sa partial deployment ban ng pamahalaan para sa mga newly-hired domestic helper na patungong Kuwait.

Ito ay kasunod na matatanggap ang reso­lusyon na inilabas ng Philippine Overseas Employment Adminis­tration (POEA) na may petsang January 3 kasunod ng pagkamatay ni Jeanalyn Padernal Villavende sa kamay ng kanyang malupit na babaeng employer sa narturang bansa.

Sabi ni Grifton Medina, acting chief ng port operations division (BI-POD):

“Our system is integrated with POEA’s system, hence with a click of a finger, we would be able to verify an overseas Filipino workers (OFW) records immediately.”

Hanggang sa kasalukuyan, ang BI ay nananatiling isa sa mga ahensiya ng pamahalaan na terible pagdating sa katiwalian.

Hindi inilinaw sa direktiba ng POEA kung ang nasabing partial ban sa deployment ng DH sa Kuwait ay may bisa para matigil ang sindikato ng human trafficking at human smuggling na negosyo ng kanyang mga walanghiya at corrupt na kasamahan sa BI.

Hindi rin inilinaw ni Medina kung sa harap ng partial deployment ban ay makakasuhan ang mga hindot na opisyal at empleyado ng BI kapag may nakalusot na Pinoy tourist workers sa mga airport para magtrabaho sa Kuwait bilang DH.

Ang malaking banta ng gulo sa Gitnang Silangan ngayon ay malaking problema ng ating pamahalaan para mailikas ang mga undocumented Pinoy workers na pinalusot ng BI sa kabila ng pinairal na total deployment ban sa Iraq.

Sa pagkakalam natin, naglabas na ang pamahalaan ng compulsory evacuation para sa mga Pinoy sa Iraq.

Kung ‘di sa sobrang katakawan ng masisiba sa BI ay wala sanang pangamba sa kaligtasan ng mga undocumented OFW na nanganganib ngayon ang buhay sa Iraq.

ANG ‘NINJA’ NG BI NA SI ‘ALYAS GARY’

ANO ang ginagawa ni Medina sa kataran­tadohan ng kanyang mga tiwaling kasamahan sa BI na pasimuno ng human trafficking at human smuggling sa ating mga airport?

Naturingan siyang acting chief ng BI-POD, pero bakit walang ginagawa si Medina para maawat sa kanyang patuloy na kawalanghiyan ang isang “Alyas Gary” ang “official escort service” provider sa mga papasok at papalabas na dayuhan at Pinoy tourist workers sa mga airport?

Noong 21 Disyembre 2019, dumating ang dalawang Indian nationals na sina Rashpal Ram at Jaswant Singh, sakay sila ng Tr386 sa Clark International Airport (CIA) sa Angeles City.

Sunod naman dumating noong Dec. 31 sina Gurtek Singh, Harwinder Singh, at Vipin Kumar, sakay ng Tr386. Sila ay pawang mga ‘Kambing,’ este, restricted Indian nationals.

At nitong Jan. 2, pito pang Indian nationals sana ang nakatakdang pumasok sa bansa, sakay ng Tr386.

Kaya lang, ang pitong sina Jaswinder Singh, Nardeep Gill, Jagwinder Singh Gill, Rajanvir Singh, at Surjit Singh ay pinigil ng mga awtoridad na makalabas sa Singapore.

Ang hindoropot na si alyas Gary ay kumikita ng P80,000 bawa’t Bombay na pinalulusot papasok ng bansa.

Pero kahit umaalingasaw ang matinding putok ng mga Bombay ay tila walang nalalanghap na amoy si Medina at ang kanyang mga amo sa BI.

Aba’y, ngayon ko lang napag-alaman na pera pala ang pinakamabisang pampamanhid para ang ilong ay walang malanghap na amoy.

Ang hindi lang natin alam ay kung si alyas Gary at si “Larry Hindoropot” na “escort service provider” na tagapagpalusot ng Pinoy tourist workers sa Terminal I ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay iisa.

Hindi kaya dapat nang palitan dahil over na si Medina bilang acting chief ng BI-POD?

Santisima!

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Percy Lapid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …