Tuesday , March 17 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sharon at KC may tampuhan dahil kay Apl de Ap?

SI Allan Pineda o mas kilala bilang si Apl de Ap kaya ang dahilan kung bakit hindi na naman okay ang mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion?

Nasa bansa si Apl de Ap noong Sea Games at nakita silang magkasama ni KC at simula niyon ay hindi na nakitang kasama ng dalaga ang pamilyang sinalubong ang Bagong Taon. Wala kaming nakitang kasama ang dalaga sa litrato nina Sharon, Senator Kiko Pangilinan, Frankie, Miel, at Miguel. (May nakita kami na nasa pamilya Gamboa siya nag-New Year—ED).

Anyway, nahalatang may gap sina Sharon at KC noong hindi sinagot ng una ang paghingi ng sorry ng anak sa kanyang IG post na kaya hindi siya nakadalo ay dahil sa personal na kadahilanan. Hindi binanggit ng Megastar ang pangalan ng panganay niya sa mga pinasalamatan niyang nakaalala sa kanyang kaarawan na isinelebra sa ASAP Natin ‘To nitong Linggo, Enero 5.

Base naman sa nakausap naming kilala na si Sharon, “may tampuhan na naman ‘yan for sure. Sa hindi pagbanggit ni Shawie ng name ni KC, alam mo na. Napaka-transparent ni Sharon kaya.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …

Dangal ng Pinas 2026

Coco, Jen, Dennis bibigyang parangal sa Dangal ng Pinas 2026

MATABILni John Fontanilla ISANG non-government at non-profit award giving body ang Dangal ng Pinas na ang misyon …

Ahtisa Manalo Alden Richards

Ahtisa inaming crush si Alden: he has a maamo face

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging beauty queen ay pinasok na rin ni 3rd runner …

Face to Face to Face with Ate Koring Korina Sanchez-Roxas

Korina Sanchez-Roxas bagong Ka-Nanay sa Face to Face with Ate Koring ng TV5 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NGAYONG Women’s Month, muling magbabalik sa TV5 ang isang programang minahal ng marami, …