Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
NAUNA nang pumila ang mga kagawad ng pulisya na nakatalagang magbantay sa unang araw ng pahalik sa imahen ng Itim na Nazareno sa Quirino Grandstand, sa Ermita, Maynila habang patuloy ang paglalagay ng mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ng barbed wire sa ilang bahagi ng Ayala Bridge para hindi akyatin ng mga deboto habang idinaraan ang Traslacion ng Poong Nazareno sa nasabing tulay sa Huwebes, 9 Enero 2020. (Mga kuha BONG SON)

Traslacion 2020: Itim na Nazareno, nasa Quirino Grandstand na para sa pahalik

DALAWANG araw bago ang Traslacion, dinala sa Quirino Grandstand ang imahen ng Itim na Naza­reno para sa tradisyonal na pahalik.

Hindi tulad ng mga nagdaang taon, dinadala sa Quirino Grandstand ang imahen tuwing 8 Enero ngunit ngayong taon, 6 Enero pa lamang, dinala na dakong 2:00 am upang mabigyan ng pagkakataon ang maraming deboto na makalapit at makahalik.

Nauna nang pumila ang mga kagawad ng pulisya sa Maynila bago sila magbantay sa unang araw ng simula ng pahalik sa poong Itim na Naza­reno sa Quirino Grand­stand, Ermita, Maynila.

Habang mahigpit na ipinatutupad ang segu­ridad  sa pahalik, naging magandang pagkakataon ito sa mga nagtungo nang maaga sa Grandstand dahil hindi na nahirapan pang pumila at mag­hintay nang matagal.

Nasa halos 500 ang ipinakalat na pulis nga­yon sa Grandstand para sa patuloy na pagdagsa ng mga deboto na nais makahalik sa Poon.

MMDRRMC
KASADO SA 2020
TRASLACION

PARA masiguro ang kaligtasan ng mga debo­tong sasama sa Pista ng Itim na Nazareno, naka-blue alert ang Metro Manila Disaster Risk Reduction and Manage­ment Council (MMDRRMC).

Ipinag-utos ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim, concurrent head ng Metro Manila Disaster Risk Reduction and Manage­ment Council (MMDRRMC), ang pagtataas ng blue alert status ng disaster and emergency response units ng MMDRRMC epektibo ngayong Lunes 6 Enero hanggang 10 Enero 2020.

Ang MMDRRMC ay binubuo ng national government agencies at local risk reduction and management councils ng 16 siyudad at isang munisipalidad sa Metro Manila.

“Sa ilalim ng blue alert, lahat ng response clusters at mga miyembro ng MMDRRMC ay naka-standby para sa responde sa emergency na maaa­ring mangyari sa pagdiri­wang ng taunang aktibidad partikular sa Traslacion,” ani Michael Salalima, concurrent chief of staff ng MMDA Office General Manager at Focal Person para sa Disaster Risk Reduction and Management.

Samantala, ininspek­siyon ni Lim ang sitwa­syon sa Quirino Grand­stand pagkatapos ng 6:00 am misa sa lugar, habang nakapila ang mga deboto para sa pahalik sa imahen ng Itim na Nazareno.

“Nag-deploy kami ng 1,000 MMDA personnel para umasiste at tumu­long na magpanatili ng kaayusan para sa aktibidad. Naglagay din ng barikada at mga bakal na bakod para sa pila ng mga deboto,” pahayag ni Lim.

Emergency at medical assistance naman ang ibibigay ng mga miyem­bro ng Metropolitan Public Safety Office katulong ang volunteers sa mga masusugatan at mahihilo.

Magmamando ng trapiko ang traffic enforcers sa Quirino Grandstand at Quiapo Church at magsasagawa ng clearing operations sa kahabaan ng ruta para sa prusisyon ng Itim na Nazareno.

Tutulong sa crowd control ang mga miyem­bro ng Sidewalk Clearing Operations Group at Metro Parkways Clearing Group sa pahalik. Aalisin din nila ang lahat ng road obstructions sa kaha­baan ng ruta ng pru­sisyon.

Naipakalat na ang mga traffic mobile patrols, ambulansiya, road emergency vehicles, surveillance and com­munication units, at iba pang kinakailangang mga sasakyan sa mga pangu­nahing lugar sa lungsod ng Maynila.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …