Sunday , December 22 2024

Sumirko si Digong

NAPIPINTO ang posi­bleng pagsiklab ng digmaan sa Gitnang Silangan kasunod ng pagkakapatay kay Iranian Gen. Qassem Suleimani, commander ng elite Quds Force.

Sa pagkakapatay kay Suleimani, isa lang ang maliwanag na mensahe: Wala pang abusadong lider o opisyal ng bansa ang puwedeng magmatigas na balewalain ang kakayahan ng Estados Unidos ng America.

Kaya naman matapos itumba si Suleimani, kagulat-gulat ang pagsirko at panlalambot ni Pang. Rodrigo “Digs” Duterte laban sa Estados Unidos ng Amerika.

Mistulang naglaho ang dating pagiging palaban ng pangulo, na ayon kay Sec. Salvador Panelo ay sa Estados Unidos ng Amerika raw kakampi sakaling madamay sa gulo ang ating mga OFW, aniya:

“Hindi tayo magiging neutral. The President was very specific in saying last night that if the Filipinos are harmed, he will side with the Americans.”

Nang tanungin si Panelo kung nabago na ang foreign policy ng pangulo na kilalang anti-American, sabi niya:

“Hindi naman. Ang sinasabi lang ni Presidente, huwag niyong idamay ang aking mga kababayan diyan.”

‘Buti na lang may mga OFW tayo sa ME na puwedeng isangkalan at gamiting kumot sa panginginig.

Ang hindi ipinagtapat ni Panelo, wala kasi tayong tulong na maasahan mula sa China na ipinagmamalaki ng kasalukuyang administrasyon.

Samantalang ang mga gago na walang alam, kapag minumura ni Pres. Digs ang mga Kano ay nakikisabat at nakikimura na parang matatalinong may nalalaman.

Hindi ba’t sa Iraq umaangkat ng langis ang China? (Sana, umpisahan na rin palayasin ang mga damuhong Intsik na dumayo rito para mangprehuwisyo lang sa bansa at agawan ng kakainin ang ating mga mamamayan.)

Nakababahala ang bantang ipaghihiganti ng Iraq si Suleimani na magsasapanganib sa ating mga OFW sa mga bansa sa Middle East na ayon sa datos noong 2018 ay nasa 1.26 million ang tinatayang bilang.

Obligasyon ng ating pamahalaan na ilikas ang ating mga OFW mula sa mga bansa sa ME kapag may malinaw na panganib.

Pero sa katotohanan ay walang kakayahan ang mga opisyal sa ating pamahalaan na ilikas ang ating mga kababayan sa ME para masiguro ang kanilang kaligtasan.

Para maisagawa ang pagsagip sa ating mga kababayan ay isa lang ang sigurado: Kailangan natin ang tulong ng Estados Unidos ng Amerika at mga kaalyadong bansa.

Nakaamba rin ang malaking krisis sa langis sakaling magmatigas ang Iraq na ituloy ang banta ng paghihiganti laban sa Estados Unidos ng Amerika.

Isa tayo sa mga bansa na umaangkat ng langis mula sa mga bansa sa ME kaya’t sa ayaw at sa gusto natin ay damay tayo kapag sumiklab ang gulo sa Iraq.

Ang Iraq ay isang bansa sa ME na matagal nang nagtatago at patuloy na gumagawa ng mga mapamuksang armas nuclear kaya naman hindi basta karaniwang giyera ang maaaring mangyari.

‘Yan ang napapala ng mga padalos-dalos, nawawalan ng integridad.

Tumatambling kahit hindi naman stuntman!

 

PUBLIC SERVICE ANNOUNCEMENTS

ANG Batch ‘70 ng Rafael Palma Elementary School Alumni ay magdaraos ng Golden Jubilee sa February 6, 2020, mula 4:00 pm hanggang 11:00 pm, na gaganapin sa Rafael Palma Social Hall, Zobel Roxas Ave., San Andres, Manila.

Para sa detalye tawagan sina Arlene Marquez sa 09176208544 at Loida Aunario sa 09173429401/09338616846, at sa Facebook Page na: RPES Alumni Phils/USA/Canada/Australia & ME.

Ang deadline para sa registra­tion ay sa January 25, 2020.

MAGDARAOS din ng 4th Reunion ang Batch ‘77 ng Gregorio San­ciang­co High School sa Mala­bon, January 11, 2020, na gaga­napin mula 4:00pm hanggang 12:00mn.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *