SUGATAN ang 17 katao sa nasunog na commercial at residential area sa Tondo, Maynila kahapon.
Sa ulat ng Manila DRRMO, inakyat sa 5th alarm ang sunog na nagsimula sa ikalimang palapag ng gusali.
Dakong 5:00 am nang sumiklab ang apoy sa nasabing gusali na matatagpuan sa Lakandula St., Tondo, Maynila malapit sa Sto. Niño church.
Ayon sa BFP-Manila, nagsimula ang sunog sa ikatlong palapag ng residential at commercial building na pag-aari ni Perfecto Sy Tiu.
Nadamay ang patahian sa rooftop at bodega ng tela na nasa ikaapat na palapag ng gusali.
Ayon kay Tiu, natutulog siya sa ikatlong palapag nang sumiklab ang sunog dahilan para masugatan ang kamay mula sa mga tumalsik na debris.
Tinatayang aabot sa halos P3 milyon ang halaga ng pinsala sa sunog sa dalawang gusali.
Ayon kay Fire Inspector John Joseph Jalique ng Manila Fire Bureau, ang mga nasugatan ay kinabibilangan ng mga nagrespondeng bombero at mga residente sa nasusunog na gusali.
Isa sa mga nasugatan ang residenteng si Junjun Fornel na may galos sa kaniyang katawan matapos tumakas mula sa 4th floor ng gusali para makababa.
Ayon kay Fajardo, nagpadausdos siya sa isang tubo para makababa sa nasusunog na gusali.
Inaalam ng BFP ang sanhi ng sunog na idineklarang fire under control 9:17 ng umaga.