Thursday , May 15 2025

Tamang sahod at benepisyo sa empleyado… Isko 3 linggo ultimatum vs 168, 999 stall owners

TINANINGAN ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ng tatlong linggo o sa loob ng buong buwan ng Enero ang lahat ng business owners sa dalawang kilalang mall sa Divisoria na irehistro ang kanilang mga mang­gagawa upang magka­roon ng maayos na benepisyo.

Sa naganap na dia­logo, sinabi ni Mayor Isko sa mga stall/business owners sa loob ng 168 at 999 malls, kailangang irehistro ang kanilang mga manggagawa sa SSS, Pag-Ibig at Philhealth.

Inatasan din ng alkalde ang mga nego­syante na karamihan ay mga dayuhan, bigyan ang kanilang mga empleyado ng tamang pasuweldo, at itrato nang patas dahil nasa batas aniya ang pagbibigay ng karapatan na makuha o magkaroon ng benepisyo na kanila namang mapapa­kinaba­ngan sa oras ng kanilang pangangailangan.

Sinabi ng alkalde, pagkatapos ng dialogo kahapon ng umaga, ipatutupad na ang mga panuntunan.

Tiniyak ng alkalde sa business owners na ang kapalit ng kanyang paki­usap ay pagtugon sa mga mang-aabuso sa kanila.

Kamakailan, nagban­ta ang alkalde sa 168 mall kaugnay sa natuklasan nitong hindi tamang pasahod at nagbantang ipasasara kapag hindi sila sumunod at hindi ibinigay ang karampa­tang benepisyo ng kani­lang mga manggagawa.

About hataw tabloid

Check Also

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan

Sharon hindi na iiyak sa pagkapanalo ni Kiko 

I-FLEXni Jun Nardo IT’S all over but the shouting! May nanalo na at may natalo …

VMX Karen Lopez

Vivamax star, BF missing mula noong 5 Mayo

HUMINGI ng tulong sa Quezon City Police District (QCPD) ang ina ng Vivamax star na …

DOST 2 ISU-BIRDC

Driving Digital Transformation: DOST 2, ISU-BIRDC Strengthen SETUP MSMEs Through Digital Skills

THE Department of Science and Technology (DOST) Region 02, in collaboration with Isabela State University …

DOST Starbooks FEAT

DOST Region 1 Turns Over STARBOOKS to 5 Underserved Schools in Ceremonial Event

SUDIPEN, LA UNION – The Department of Science and Technology Region 1 (DOST Region 1), …

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *