Tuesday , April 29 2025

National Tala Day, tagumpay; ArMaine, trending ang Tala version

NATIONAL TALA nation day kahapon sa buong Pilipinas na ipinalabas sa ASAP Natin ‘To ang mga lalawigan ng Cebu, Davao, Butuan, Iriga, Bicol Region, Baguio, at Iloilo na sumasayaw ng latest dance craze ngayon ng bansa.

Ang awiting Tala ni Sarah Geronimo ay tatlong taon nang nai-record at ngayon lang sumikat nang husto nang mag-post ang ilang netizen ng sarili nilang version na ginaya na rin ng lahat at pati mga kilalang personalidad ay naki-Tala na rin.

Pinagunahan ni Sarah G kasama ang G Force dancers sa pangunguna ni Teacher Georcelle Dapat – Sy ang pagsayaw ng Tala sa ASAP Natin ‘To kahapon na ginawa sa center road ng ABS-CBN hanggang sa studio ng nasabing programa.

Naalala naming bigla ang dance music na Macarena na sumikat noong 1993 na release sa Spain mula sa Los Del Rio na una nilang hit song at naging national anthem ng buong mundo as in.  Mangyari rin kaya ito sa Tala?

Hindi rin nagpahuli ang mag-dyowang Arjo Atayde at Maine Mendoza dahil maski sila ay nag-post na rin ng kanilang sariling version ng Tala nitong Sabado ng gabi.

Si Maine ang nag-post sa kanyang Tweeter account ng video habang sumasayaw sila ng boyfriend niya na may caption na, “The things I for for you, Arsho.  #pospter.” Popster din pala kasi ang dalaga.

Umabot sa 1.3M views, 190k likes, at 25k retweet as of this writing ang version ng ArMaine ng Tala.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

About Reggee Bonoan

Check Also

Miles Ocampo lumipat na sa All Access to Artists

Kris at direk Bobot naka-alalay lagi kay Miles

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING saksi kami sa isang pagkakataon na may importanteng medical procedure …

celia rodriguez

Celia binanatan sa pagkuda sa burol ni Nora

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “GO papa Ambet, i-push na nga iyan,” pag-uudyok ng mga Noranian friend naming nagsabing imbes …

Nadine Lustre Nora Aunor Judy Ann Santos

Judy Ann at Nadine feel ng netizens na gumanap bilang Nora Aunor

MATABILni John Fontanilla NANGUNS sina Nadine Lustre, Judy Ann Santos, at Alessandra De Rossi sa mga nanguna sa isinagawang …

Alynna Velasquez Hajji Alejandro

Alynna ‘di nasaksihan lamay, libing ni Hajji

I-FLEXni Jun Nardo ANG labi na lang ng OPM icon na si Hajji Alejandro ang hindi pa …

Michael Sager Jillian Ward

Jillian idinepensa pagka-evict ni Michael sa Bahay ni Kuya 

I-FLEXni Jun Nardo MAIKSI ang buhay nina Michael Sager at Emilio Daez sa Bahay ni Kuya. Silang dalawa ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *