Monday , December 23 2024

Ano nga ba ang mas mahalaga, box office o award?

ILANG araw na ang nakalilipas ay usap-usapan pa rin ang resulta sa naganap na 45th Metro Manila Film Festival Awards Night dahil hindi pa rin makapaniwala ang lahat na ni isang tropeo ay walang naiuwi ang movie adaptation na Miracle in Cell No. 7.

Hindi ba kasama sa criteria ang movie adaptation? Eh, ‘di sana hindi na lang ito isinali sa MMFF?

Well, tapos na kaya hindi na dapat magreklamo, ang maganda lang ay patuloy itong kumikita at pinipilahan sa lahat ng sinehan nationwide at ito rin ang kunsuwelo ni Aga Muhlach bilang isa sa producer.

Sa tuwing may awards night ay parating natatanong kung ano ang mas gusto ng mga artista, box office o award at kadalasang sagot ay, ”Box office! Para muling makagawa ng pelikula at maraming mabigyan ng trabaho.”

Ito ang tinanong din namin kay Iza Calzado pagkatapos ng Black Carpet Event ng Culion kung ano ang pipiliin niya, box office o award at sinagot kami ng, ”puwedeng both?”

Tama rin naman, kaso mukhang hindi sinuwerte ang Culion sa box office dahil nasa ika-walong puwesto ito pero binigyan naman sila ng Special Jury Prize award para sa Ensemble Cast.

Sa walong pelikulang entry ng 2019 MMFF ay tatlong pelikula lang ang naglaban-laban, ang Mindanao, Sunod, at Write About Love at ang iba ay pawang, ‘thank you for attending the Gabi ng Parangal, better luck next year!’

Anyway, ang mga nanalo sa 45th Gabi ng Parangal ay ang mga sumusunod.

Best Float – Mindanao

Gender Sensitive Award – Mindanao

Best Child Performer – Yuna Tangod (Mindanao)

MMFF Student Short Film – Pamana ni Lola (PUP Sta Mesa)

Best Sound – Mindanao

Best Musical Score – Write About Love

Best original Song – ‘Ikaw ang Akin’ (Write About Love)

Best Visual Effects – Mindanao

Best Production Design – Sunod

Best Editing – Write About Love

Best Cinematography – Sunod

Gatpuno Antonio J Villegas Cultural Award – Mindanao

Fernando Poe Jr Memorial Award – Mindanao

Best Screenplay – Write About Love

Best Supporting Actor – Joem Bascon (Write About Love)

Best Supporting Actress – Yeng Constantino (Write About Love)

Best Director – Brillante Mendoza (Mindanao)

Special Jury Prize – Ensemble Cast of ‘Culion’

Special Jury Prize Writer – Crisanto Aquino (Write About Love)

3rd Best Picture – Sunod

2nd Best Picture – Write About Love

Best Picture – Mindanao

Best Actor – Allen Dizon (Mindanao)

Best Actress – Judy Ann Santos Agoncillo (Mindanao)

Male Star of the Night – Aga Muhlach

Female Star of the Night – Carmina Villaroel

Ang Hall of Fame awardees:

Industry Stalwarts

* Marichu Vera-Perez

* Boots Anson-Rodrigo

* Bienvenido Lumbera

* Joseph Estrada

Best Actor

* Anthony Alonzo

* Christopher De Leon

* Cesar Montano

Best Actress

* Nora Aunor

* Amy Austria

* Vilma Santos-Recto

* Maricel Soriano

Best Supporting Actress

* Eugene Domingo

* Cherie Gil

Best Director

* Marilou Diaz-Abaya

* Joel Lamangan

* Jose Javier Reyes

Best Screenplay/Story

* Roy Iglesias

* Ricky Lee

* Jose Javier Reyes

Best Cinematographer

* Rudy Lacap

* Lee Meily

* Carlo Mendoza

* Romy Vitug

Best Sound Engineer

* Ditoy Aguila

* Michael Albert Idioma

* Rolly Ruta

Best Musical Score

* Dionisio Buencamino

* Von de Guzman

* Jaime Fabregas

* Jessie Lasaten

Best Editor

* Vito Cajili

* Manet Dayrit

* Jess Navaroo

* Edgardo Vinarao

Best Visual Effects

* Roadrunner Network, Inc.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *