Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Eksena ni John Lloyd sa Culion, pinalakpakan

ISANG minuto lang ang exposure ni John Lloyd Cruz sa pelikulang Culion nina Iza Calzado, Jasmin Curtis Smith, at Meryll Soriano ay pinalakpakan siya nang husto sa ginanap na Black Carpet Event nitong Sabado ng gabi sa SM Megamall Cinema 4.

As expected hindi dumating ang aktor sa Celebrity Gala Night at Metro Manila Premiere.

Si John Lloyd ay si Greg na kasintahan ni Meryll sa papel na Ditas.  Iniwan niya ang katipan na hindi nagpaalam dahil maysakit na siya ng ketong.  Sa nawat araw na nasa isla ng Culion ang aktres kasama ang kapwa niya maysakit ay hindi nawala sa isipan niya ang lalaking minamahal.

Ilang araw ang nakalipas ay natunton ni Greg ang lugar na kinaroroonan si Ditas at sabik na sabik siyang makita ng kasintahan, pero pinagbawalang makalapit baka mahawa ang binata.

Ang ganda ng eksenang tumulo ang luha ni John Lloyd nang makita ang kalagayan ni Meryll at sa pag-uusap ng kanilang mga mata ay iyon na ang huli nilang pagkikita.

Hiyawan ang lahat sa eksenang iyon dahil ang sakit-sakit at isa ito sa highlight ng pelikula kaya kabadong-kabado ang isa sa producer na si Shandii Bacolod dahil nga tiyak na si Lloydie ang pag-uusapan sa pelikula at mababasa niya sa pahagayan at social media.

Hindi mo naman talaga maiiwasang hindi isulat o purihin si JLC dahil kahit na ilang taon na siyang absent sa showbiz ay walang kupas, ang husay pa rin.

Inamin ni Meryll na ang saya-saya niya nang um-oo ang aktor na mag-cameo sa Culion dahil reunion nilang dalawa ito pagkatapos ng pelilkulang Honor thy Father na pelilkula nila ni JLC noong 2015 na kasama rin sa Metro Manila Film Festival produced ng Reality Films.

Anyway, napag—alamang si Meryll pala ang kumumbinsi kay John Lloyd para lumabas siya sa Culion bilang kasintahan niya.

“I was very excited to be acting again with him because coming from ‘Honor thy Father,’ na-miss ko siyang kasama sa screen, na-miss siya ng lahat at na-miss ko rin siya bilang kaibigan.

“Ako po ‘yung naglambing sa kanya (John Lloyd para mag-cameo) at saka ‘yung assistant director namin. Inilambing ko na gawin niya ‘yung role kaya masayang-masaya ako na pinagbigyan niya kami at nakatataba ng puso,” masayang sabi ng aktres pagkatapos naming manood ng pelikula.

As of this writing ay walang alam pa si Meryll kung babalik na sa showbiz si Lloydie pero noong magkasama sila sa Palawan ay napagkuwentuhan nila ang possible projects.

“ Jamming-jamming lang,” sambit ng aktres.

Samantala, nakiusap si Meryll na panoorin ang Culion dahil ang pelikula ay tungkol sa mga taong nawawalan na ng pag-asa dahil sa mga dinaranas nila sa buhay.  Hangga’t humihinga ay may pag-asa.

Ang Culion ay mula sa direksiyon ni Alvin Yapan produced nina Shandii Bacolod at Gillie Sing ng iOptions Ventures Corp..

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …