Saturday , November 23 2024

Sa 2009 Ampatuan massacre… Ipagbunyi pero bantayan ang tagumpay

RECLUSION perpetua ang ipinataw na parusa batay sa hatol ng Quezon City Regional Trial Court sa walong miyembro miyembro ng pamilya Ampatuan.

Kabilang sina Datu Andal, Jr., at Zaldy na napatunayang “guilty beyond reasonable doubt” sa pagpaslang 58 katao (pero nawawala ang bangkay ng photojournalist na si Reynaldo Momay) kaugnay ng naganap na Ampatuan massacre noong 2009.

Bukod kina Andal, Jr., at Zaldy Ampatuan na dating gobernador ng Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM), pinatawan rin ni Judge Jocelyn Solis-Reyes ng QC RTCh Branch 221 ng hatol na reclusion perpetua sina Anwar Ampatuan, Sr., Anwar “Ipi” Ampatuan Jr., Anwar Sajid “Ulo” Ampatuan, Manny Ampatuan, Mohades Ampatuan, at Misuari Ampatuan.

Ang ‘reclusion perpetua’ ay permanenteng pagkakakulong hanggang 40 taon na walang pardon o parole. Nasa 20 pang akusado ang hinatulang guilty.

Kasama rito sina P/Insp. Saudi Mokamad, PO1 Jonathan Engid, Abedin Alamada, alyas Kumander Bedi, Talembo “Tammy” Masukat, Theng Sali, alyas Abdullah Hamad Abdullakahar, Nasser Esmael, alyas Nasrudin Esmael, P/CInsp. Sukarno Dicay, P/Supt. Abusama Mundas Maguid, P/Supt. Bahnarin Kamaong, Tato Tampogao, Mohamad Datumanong, Taya Bangkulat, Salik Bangkulat, Thong Guiamano, Sonny Pindi, Armando Ambalgan, Kudza Masukat Uguia, Edres Kasan, Zacaria Akil, at Samaon Andatuan.

Sa 761-pahinang desisyon ni Judge Solis-Reyes, inatasan niya na bayaran ng milyon-milyong halaga ang pamilya ng bawat biktima ng masaker maliban sa photojournalist na si Reynaldo Momay, ang sinasabing ika-58 biktima, na hindi natagpuan ang bangkay.

Umabot sa 15 katao ang natagpuang guilty bilang ‘accessory’ sa krimen at hinatulan ng ‘prision correccional’ o hanggang 10 taon pagkakakulong.

Kabilang sina Michael P/Insp. Joy Macaraeg, PO3 Felix Enate, PO3 Abidudin Abdulgani, PO3 Rasid Anton, PO2 Hamad Nana, PO2 Saudi Pasutan, PO2 Saudiar Ulah, PO1 Esprielito Lejarso, PO1 Narkouk Mascud, PO1 Pia Kamidon, PO1 Esmael Guialal, PO1 Arnulfo Soriano, PO1 Herich Amaba, P/Supt Abdulgapor Abad, at Bong Andal.

After 10 years, nakamit ng mga naulilang pamilya ang katarungan sa pagpaslang sa kanilang mga kaanak.

Isa tayo sa mga kinabahan noon kung paano tatakbo ang pagdinig sa kaso, pero nang makita natin ang disposisyon ni Judge Solis nang hindi niya bitawan ang kaso, kinilala natin ang kanyang katapangan.

Sa kabila ng matinding impluwensiya ng mga Ampatuan noon, ginawa ang lahat ng paraan para mawala sila sa asunto, nanindigan si Judge Solis.

Alam natin, marami ang nagdiriwang ngayon, lalo ‘yung mga totoong umalalay sa mga kaanak ng mga biktima. ‘Yung mga genuine at ‘hindi nagtangka’ na sila ay ibenta (mabuti naman at hindi nagtagumpay ang mga nagtangkang ipagbili ang kanilang laban).

Ngayong ibiniyahe na sila sa Munti, umaasa tayo na patuloy na magbabantay ang lahat, dahil hindi pa tapos ang laban. Aapela pa ang mga Ampatuan.

At sana’y maging mahigpit si Bureau of Corrections (BuCor) chief, Gerald Bantag, para hindi magkaroon ng special treatment ang mga nahatulan sa Ampatuan massacre.

Let’s keep our fingers crossed.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *