Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wish ni Maja kina Matteo at Sarah — babies agad 

I ’M super happy and very excited for them lalo na kay Sarah (Geronimo), siyempre discreet lang naman ‘yung friendship namin ni Sarah and super happy for her,” ito ang sagot ni Maja Salvador nang hingan siya ng komento tungkol sa nalalapit na pag-iisandibdib ng kaibigan niya sa ex-boyfriend niyang si Matteo Guidicelli.

Tulad ng sinabi ng bidang babae ng The Killer Bride ay magkaibigan sila ng Popstar Princess at hindi lang alam ng nakararami pero kapag nagkita ay super tsika.

Ano ang wish ni Maja kina Sarah at Matteo, “babies na, babies agad,” masayang sabi ng dalaga.

Tinanong namin kung okay na sina Maja at Matt dahil for a while ay hindi sila nag-usap pagkatapos ng paghihiwalay.

“Oo naman, eversince ay civil naman kami. Siyempre hindi mo naman masasabing friends na barkada kasi ang awkward naman niyon but civil kami. Well, wala akong ex na kaaway ko, hindi close friends but civil,” sagot ng aktres.

Samantala, tinutukso naman si Maja kung kailan naman sila ni Rambo Nunez pakakasal.

“Wala pa kasi mas ini-enjoy namin ‘yung pagiging mag-boyfriend/girlfriend, so roon muna tayo,” sambit ng dalaga.

Base kasi sa nababasa at naglalabasang litrato nina Maja at Rambo ay parang papunta na sa kasalan, “yun nga ang nakikita ng lahat, pero hindi pa namin nakikita,” mabilis na sagot nito.

Hindi naman itinanggi ni Maja na napag-uusapan nila ni Rambo ang kasal at natutuwa sila dahil halos lahat ay sang-ayon na sila ang magkatuluyan.

Binanggit namin na inakalang pre-nup photos na ang ginawa nila sa Cuba kamakailan.

“Hindi, nauuso kasi siyempre nakiuso rin ako tapos nandoon na, sayang kaysa puro selfie lang kaya kumuha kami ng photographer. Tapos na-awkward kami dahil parang ‘yung ipinagagawa sa amin pang pre-nup, so tawang-tawa lang kaming dalawa,” kuwento ng dalaga.

Tinanong namin kung pumunta sila sa Malecon para panoorin ang paglubog ng araw dahil kasabihan ng mga nakatira roon at ng mga nakaranas na ring dumayo ay nagkakatuluyan ang magkarelasyon.

“Hindi kasi jetlag ako lagi akong tulog. Pero at least magkasama kami ‘yun na ‘yun,” say ni Maja.

Sobrang na-enjoy nina Rambo at Maja ang Cuba trip nila dahil pakiramdam nila ay nasa pelikula sila na pawang vintage cars ang mga sinasakyan nila.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …