Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rambo at Maja sa Canada at Japan magpa-pasko at New Year

Samantala, sa Canada magdiriwang ng Pasko si Maja dahil naroon ang mama niya at kasama niya si Rambo. Sa Japan naman kung nasaan ang pamilya ng boyfriend, nila sasalubungin ang Bagong Taon kasama ang kapatid na lalaki.

At sa nalalapit na pagtatapos ng The Killer Bride, nabanggit ng aktres sa ginanap na thanksgiving presscon na abangan ito dahil maraming pasabog pa silang ibibigay lalo’t nai-reveal na kung sino ang killer groom at killer bride.

Ang pinakamatinding laban nina Camila (Maja), Vito (Geoff Eigenmann), Emma (Janella Salvador), at Elias (Joshua Garcia) para sa kanilang buhay ngayong nabunyag nang si Alice (Precious Lara Quigaman) at ang killer groom ay iisa, dahilan para sama-sama nilang patumbahin ang kinatatakutang kalaban sa nalalapit na pagtatapos ng serye.

Napanood na nitong Biyernes (Disyembre 13) ang paglitaw ni Alice bilang killer groom na walang habas na pumatay ng mga inosenteng tao sa Las Espadas. Pero ang pagkakabulgar ng kanyang pagkatao ay hindi makapipigil sa masasama niyang plano, lalo na sa paghihiganti niya laban kay Camila. Kaninong buhay nga kaya ang susunod na malalagay sa peligro?

Bagama’t nalalapit na ang pagtatapos, patuloy pa ring namamayagpag sa ere ang The Killer Bride at nangunguna sa national TV ratings tuwing gabi. Kamakailan ay nagkamit ito ng all-time high national TV rating na 25.6%, ayon sa datos ng Kantar Media, patunay sa masugid na pagsubaybay ng mga manonood sa buong bansa.

Panoorin ang The Killer Bride gabi-gabi sa ABS-CBN.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …