NAGKUWENTO si Sam Milby ng experience niya habang isinu-shoot nila ang pelikulang 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon na entry ng CCM Films and Productions sa 2019 Metro Manila Film Festival na nagkaroon siya ng panic attack dahil kay Coco Martin.
Sabi ni Samuel Lloyd, minemorya niya ang buong script na ibinigay sa kanya tapos hindi naman pala iyon lahat nagamit dahil naiba pagdating sa set.
“Actually, first eksena namin as Paloma siya, were doing parang naglalandian kami tapos siya rin nagka-cut! So, parang hindi ako sanay na ‘yung lead actor, nagka-cut din.
“Sa set, siyempre nahirapan ako sa lengguwahe minsan so, kabisado ko ‘yung script tapos pagdating sa set, iba ‘yung sasabihin niya (Coco) na sobrang iba sa script na minemorized ko, so nataranda ako! Anong sasabihin ko, oh my God!
“Completely different ‘yung ipagagawa niya (Coco). But what direk Coco said to me, ‘Sam, kung saan ka komportable gawin mo, kung komportable ka sa English, i-english mo lang para mas natural ang acting mo. So, I’m really, really thankful to direk Coco.
“Napakabait niya (Coco), generous! This is the first time I’ve done a project where in na naging actor at director din,” kuwento ng aktor.
Ganito na kasi ang kadalasang nangyayari ngayon na pagdating sa set ay nababago ang linya o script ng mga artista na sa tingin ng direktor o ng creative director ay mas bagay sa eksenang kukunan.
Kasama rin sa 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon sina Jennylyn Mercado, Mark Lapid, PJ Endrinal, Pepe Herrera, John Prats, Carmi Martin, Smuglazz, Bassilyo, Sancho Vito, Jhong Hilario, at Ai Ai de las Alas.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan