Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun police

Sa Tondo, Maynila… Magdyowa pinatay ng riding-in-tandem

DEAD-ON-THE-SPOT ang magnobyong binaril ng riding- in-tandem sa Tondo, Maynila kahapon, Linggo ng madaling araw.

Kinilala ang mga biktima na sina Rina Lopez, 31; at Jairius Palacio, 22.

Pasado 5″30 am nang makunan ng CCTV ang pagdaan ng magnobyo sa Barangay 139.

Ilang segundo lang pagkalipas, makikitang hinahabol na sila ng mga suspek na nakasakay sa motor.

Inabutan nila ang magnobyo sa panulukan ng Rodriguez at Nepa streets, at doon pinagbabaril.

Nakatakbo ang lalaki pero tinamaan din.

Ayon sa mga pulis at opisyal ng barangay, walang nakakikilala sa mga suspek dahil nakasuot ng helmet at jacket.

Hindi rin nakita sa CCTV ang plaka ng kanilang motor­siklo.

Ayon sa mga magulang ng mga biktima, wala na­mang nakakaaway ang dala­wa.

Hindi rin daw sila nag­dodroga kaya ang naiisip na lang nilang motibo sa krimen ang pagkahilig ng babae sa sugal.

Sa katunayan, bago mang­yari ang pamamaril, galing ang mga biktima sa sugalan.

Pero tila walang interes ang mga suspek sa pera dahil hindi nila kinuha ang napanalunang P20,000 ng mga biktima.

Wala rin nawala sa kanilang mga gamit.

Patuloy ang imbesti­gasyon ng mga pulis sa krimen.

Kabilang sa mga susuriin nila ang anim na basyo ng hindi pa tukoy na baril na natagpuan sa crime scene.

Patuloy pang kumakalap ng CCTV footages ang mga pulis upang may mahanap pang indikasyon ng pagkakakilanlan ng mga suspek.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …