Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kitkat, makakasama na ng Dabarkads

MASAYANG ibinalita ni Kitkat Favia na naoperahan na ang daddy niya nitong Sabado dahil hirap maka-ihi.

Habang tinitipa namin ang balitang ito ay kinumusta namin ang tatay ng komedyana, ”5AM (Sabado) naoperahan mga before 11AM po lumabas sa recovery room.”

Sabay padala ng litrato ni Kitkat na naka thumbs-up ang ama habang nakahiga sa kama ay naka-suwero.

Kasalukuyang nasa Bacolod si Kitkat habang ka-chat namin dahil nag-show at kagabi dumating na diretso naman sa launching niya kasama ang ibang endorsers ng Emcore Dotnet sa MetroTent Metrowalk, Pasig City.

Pero bago naman lumipad ng Bacolod si Kitkat ay sinigurado niyang okay na ang ama, nalagyan ng dextrose at iba pa.

“Siyempre po, worried ako kasi nasa Bacolod ako,” saad ni Kitkat.

At dahil alam ni God na kailangan ng aktres ng panggastos ay may offer sa kanya ang Eat Bulaga na hindi naman direct competitor ng ABS-CBN na naka-kontrata si Kitkat sa Star Magic.

“Minsan lang naman ako lalabas sa ‘Eat Bulaga’ at ipinagpapaalam ko naman ito sa bosses ng ABS, naiintindihan naman nila ako kasi wala rin naman akong regular show pa sa kanila,” pangangatwiran ni Kat.

Tinanong namin kung sakaling alukin siyang maging regular sa EB, ”ay hindi ko po alam, ha ha ha.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …