Wednesday , December 25 2024

SEA Games overall champ, galing ng Pinoy, lumutang… “WE WON AS ONE”

DETERMINADONG atletang Pinoy, masikap na administrasyong Duterte, at hindi sumusukong Philippine South East Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) sa pamumuno ni House Speaker Alan Peter Cayetano at iba pang sports officials, natupad ang pangarap ng samba­yanang Filipino na makuha ang korona sa patapos na 30th Southeast Asian (SEA) Games.

Pormalidad na lamang ang hinihintay bago opisyal na  itanghal bilang overall champion ang koponan ng Filipinas sa SEA Games.

Kahapon ng umaga, sa day 9 ng palakasan, nakasungkit ang mga atletang Pinoy ng kabuuang 113 gintong medalya. Kapantay nito ang “winningest record” ng bansa sa kasaysayan ng SEA Games, ang 113 gold medals na naitala ng mga atletang Pinoy sa 2005 SEAG na idinaos din sa Filipinas.

Pangalawa sa medal tally sa day 9 ang Indonesia, pangatlo ang Vietnam at nasa pang-apat na puwesto naman ang Thailand. Nakakuha na rin ng bronze medal ang Timor Leste sa larangan ng boxing.

Inaasahan pa ang pagsungkit ng mga atletang Pinoy ng karagdagang medalyang ginto dahil marami pang sports ang susuungin ng ating mga manlalaro kagaya sa boxing, e-sports at iba pang events.

Nakapagtala ng record breaking moments ang ilan sa mga kasapi ng koponan ng Filipinas sa SEAG kabilang ang pagbasag ni Kristina Knott sa national record ni Lydia de Vega sa 200m women’s run na pinagreynahan ni “Diay” sa loob ng 33 taon.

Tinapos ng PH men’s volleyball team ang paghahari ng Thailand sa SEA Games volleyball event. Nakopo ng grupo ang gintong medalya na sunod-sunod na pinanalunan ng Thailand sa loob ng limang taon.

Nagtala ng kambal na medalyang ginto ang ibang atletang Pinoy kabilang si gymnast Carlos Yulo na mayroong limang silver medals sa gymnastics.

Nakakuha ng tig-dalawang gold medals sina Margielyn Didal sa skateboarding at Agatha Wong sa Wushu.

Hindi rin nagpahuli ang tinaguriang SEAG hero na si surfer Roger Casugay dahil naiuwi niya ang gintong medalya sa longboard event.

Tinalo niya ang Indonesian champion surfer na iniligtas niya sa una nilang paglalaban sa Monaliza Point sa La Union.

Ang 30th SEA Games ay hindi sana gaga­napin sa Filipinas kung hindi dahil sa pagsisikap ni Cayetano at Senador Christopher “Bong” Go na kombinsihin si Pangulong Duterte upang ganapin sa bansa ang palaro.

Tatanggap ng P600,000 premyo ang bawat Pinoy gold medalist sa 30th SEAG bukod sa kabuoang P10 milyon na ipinangako ng kamara para sa mga atletang Pinoy na mananalo ng gintong medalya.

CAYETANO HANDANG
HUMARAP
SA IMBESTIGASYON

HANDANG humarap si House Speaker Alan Peter Cayetano sa imbestigasyon ng Ombudsman patungkol sa mga alegasyon ng korupsiyon na may kaugnayan sa pagpatakbo ng Southeast Asian (SEA) Games.

Nagbanta si Cayetano sa mga kritiko niya na kanyang bubuweltahan.

Dalawang linggo na, aniya, na sinabi niyang handa siya sa mga imbestigasyon.

“Two weeks ago, when the SEA Games was under attack by groups out to discredit the government with fake news reports of unpreparedness and corruption, I already announced that we not only welcome, but are ourselves calling for an investigation by the proper agencies at the right time to clear the air about these unfounded allegations,” ani Cayetano.

Ang Ombudsman ay nagbuo ng grupo para imbestigahan ang katiwalian sa SEAG na pinamamahalaan ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC)  na pinamumunuan ni Cayetano.

“We will fully support all investigations, and as I said before, I am ordering full transparency, audits and opening of all books,” aniya.

Ani Cayetano, “Walang anomalya sa PHISGOC. Wala itong anomalya.

“As we are ready to meet all these accusations, I am also issuing fair warning to all those who plotted against the SEA Games and put politics over country; those who espoused and spread fake news and malicious lies. Personally I forgive you, but for the national interest thereto accountability and a reckoning,” ayon sa speaker at pinuno ng PHISGOC.

(GERRY BALDO)

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *