Monday , December 23 2024

Meryll at Iza, makakatapat ni Juday sa pagka-best actress

ANG pelikulang Culion ang isa sa hinuhulaang mananalo ng Best Picture sa 2019 Metro Manila Film Festival at mahigpit nitong katunggali ang pelikula ni Judy Ann Santos na Mindanao na nailibot na sa ibang bansa at nagawaran na ng Best Actress award ang aktres sa nakaraang 41st Cairo International Film Festival.

Sa pagka-best actress ay sinabing si Juday din ang mahigpit na kalaban nina Iza Calzado at Meryll Soriano kaya naman sa grand mediacon ng Culion sa Novotel nitong Disyembre 5 ay hindi naiwasang hindi hingan ng komento ang dalawang bida ng pelikula.

Si Meryll muna ang sumagot, “I am very, very happy for Juday kasi she’s a very, very dear friend and she’s been a family at wala naman talagang kuwestiyon na napakagaling niyang artista at kasama ko rin po siya sa ‘Starla’ at hanggang ngayon ay namamangha kaming mga kasama niya kung gaano siya kahusay.

“At ‘yung pagiging frontrunner namin sa best actress naming tatlo (Iza at Jasmin), i’ll always think that the awards night are healthy competition and I support each other at kung sinuman ang manalo, let’s celebrate that, wala dapat kompetisyon sa mga ganito. You were being acknowledge and recognize the work you’ve have done very, very hard and very passionately and dapat ganoon kasi nasa isang industriya lang po kami and I love her very much, I love Iza and I love Jasmin and I’ll be happy kung sinuman ang manalo.”

“I just want to address something, eversince ‘Culion’ was voted for the MMFF 2019, but first I’m very, very happy for Juday. I sent her a message, the moment I saw it sabi ko pa nga, it’s about time na makita ng buong mundo ang mga mata ni Mara (karakter sa ‘Mara Clara’) kasi napakatagal na niya sa industriya at idolo ko talaga siya,” sabi naman ni Iza.

Dagdag pa, “so in respect with Judy Ann as the actress, the woman and the human being, I really looked up to her.”

Kaya mapasama lang si Iza na ma-nominate kasama ni Juday sa Best Actress ay masaya na siya.

Samantala, mauunang mapapanood ng mga taga-Culion ang pelikula nila na gaganapin mismo roon ang red carpet premiere 11 days bago mismo ang MMFF opening para hindi na kailangang pumunta pa ng Maynila.

Ang nasabing pelikula ay ineendoso ni Dr. Arturo Cunanan Jr., head ng Culion Sanitarium and General Hospital at ni Culion Mayor Virginia de Vera.

Bukod kina Iza, Meryll, at Jasmine, kasama rin sina Joem Bascon, Suzette Ranillo, Mark Liwag, Simon Ibarra, Lee O’Brian, Joel Saracho, Mai Fanglayan, Nico Locco, Yam Mercado, Upeng Fernandez, Erlinda Villalobos, Mayen Estanero, Aaron Concepcion, Nikko Delos Santos, Rex Lantano, Jay Garcia, Elle Velasco, Jack Love Falcis, Tommy Roca, Ruth Alferez, Roven Alejandro, Raflesia Bravo, Luminita Gamboa, Jai Astor, Elisa Weber, DMS Boongaling, Marcus Dreeke, Jaepheth Cortez, with Earl Andrew Figueroa, and The Culion Kalinangan Ensemble, Mercedes Cabral, directed by Alvin Yapan at ipinrodyus nina Shandii Bacolod at Gillie Sing kasama rin si Iza.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *