Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angel, ayaw nagpapakuha ng picture ‘pag tumutulong

PAGDATING sa pagtulong ay hindi matatawaran ang kabayanihan ni Angel Locsin dahil hindi pa nga siya halos nakakapahinga sa biyahe mula Japan ay heto lumipad na naman siya patungong Catarman, Samar na maraming sinirang kabahayan ang bagyong Tisoy at nawalan din ng magpakukunan ng pang-araw-araw na kakainin dahil pati mga alagang hayop ay nawalis.

Nitong Disyembre 6 lang dumating si Angel galing Japan na dumalo sila ni Neil Arce ng kasal nina Vhong at Winona Navarro. Nag-extend ng bakasyon ang magsing irog para magkaroon ng oras sa sarili at manood ng concert ng U2 na bucket list ng aktres simula bata pa.

Madaling araw ng Disyembre 7 ay lumipad na patungong Samar ang aktres kasama ang kaibigang taga-NGO na laging kasa-kasama sa paglilibot niya sa buong Pilipinas pala mamahagi ng tulong. Wala kasing kakilala si Angel sa mga lugar na pinupuntahan niya.

Ayon sa grupo na nakakasama ng aktres, “Lagi niyang kasama ‘yung isang friend niya, full-initiative naman ni Angel pero wala siyang alam masyado sa lugar kaya nagpasama siya. Kasama niya rin ‘yun dati sa Davao.”

Inalam namin kung magkano ang budget ng aktres sa bawat lugar na hinahatiran niya ng tulong, baka sakaling sagutin kami, he, he, he.

“Ayaw po niya pasabi, basta’t sapat lang po, ‘yung abot lang ng kaya niya,” sagot sa amin.

Nagpapa-email kami ng litrato pero tumanggi ang aming kausap dahil mahigpit na bilin sa kanila ni Angel na no pictures at kung mayroon man ay pam-personal na kopya lang.

“Kaya nga po nagtatakip siya ng mukha kapag may ganito kasi nakukunan pa rin po ng picture,” say sa amin.

Mabuhay ka Angel, sana maambunan ka, mala Gremlins para maraming tumulong din sa mga nangangailangan.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …