Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pia, naka-move-on agad sa pakikipaghiwalay kay Marlon

ILANG buwan din naming itinago ang balitang ito dahil wala pa kaming go signal mula sa business manager ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach na si Rikka Infantado – Fernandez.

Nitong Setyembre ay pormal nang naghiwalay sina Pia at boyfriend niyang si Marlon Stockinger na kilalang race-car driver pagkatapos ng tatlong taong relasyon.

Tinig ni Rikka sa kabilang linya kahapon, ”oo totoo na!”

Ilang beses kasi naming kinukulit si Rikka kung okay pa ba sina Pia at Marlon dahil lagi na lang nababalitang hiwalay na, “on and off naman silang dalawa kaya wala akong mako-confirm sa ‘yo. Hayaan mo ‘pag confirmed na, ako mismo magkukuwento.” Ito ang sabi sa amin ni Rikka.

Nang panahong iyon ay hindi naman halatang namomroblema si Pia sa lovelife niya dahil noong biniro pa namin siya na paano kung magpa-cute sa kanya si Piolo Pascual dahil nga tinetext siya at niyaya siyang gumawa ng pelikula.

Kinikilig kasi ang dalaga habang nagkukuwento kaya biniro namin at sabi niya, ”sino ba naman ang hindi kikiligin, eh Piolo Pascual ‘yun.”

‘Yun lang tila hindi nagustuhan ni Pia ang tanong namin na paano kung magpa-cute nga ang aktor sa kanya dahil naging pormal siyang bigla at sinabi niyang, “may boyfriend ako.”

Eh, paano ngayon ‘yan, wala na siyang boyfriend?

Samantala, hindi naman nakitaan si Pia na nalulungkot.

Nakahanap kasi ng pagkakaabalahan, sobrang daming offers sa kanya at dami niyang endorsements,” say ni Rikka.

May malaking project si Pia, kailan ito puwedeng isulat, “at saka na ‘yun, sasabihan kita kung kailan puwedeng isulat.”

Anyway, noong Biyernes ang revelation ng bagong endorsement ni Pia, ang Teviant Lip Spell.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …