Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angel, mula Japan, lumipad pa-Catarman para muling magbigay-tulong

NAGKAROON na rin ng lakas ng loob si Angel Locsin na i-retweet ang ipinost ng Forbes magazine na kasama ang dalaga sa listahan ng Forbes’ 13th annual Heroes of Philanthropy.

Kabilang si Angel sa 30 outstanding altruists sa Asia-Pacific na pawang mga bilyonaryo ang ka-level tulad nina Jack Ma ng Alibaba at Hans Sy ng SM Group.

Nahihiya kasing i-post ni ‘Gel ang nasabing tweet kaya ang fiancé niyang si Neil Arce ang nag-post.

Pero nitong Miyerkoles ng gabi ay ini-retweet ng aktres ang post ng @ForbesAsia na may litrato niya noong dumalaw siya sa Mindanao at ang caption ay, “Filipino celebrity, Angel Locsin, appears on this year’s Philanthropy List for aiding disaster relief efforts, among other causes.”

Ang sabi ng aktres,  ”I never thought @ForbesAsia would ever mention my name, lol. Thank you! Filipinos have always been known for “bayanihan”.  I’m nowhere near from being a billionaire, but I try my best to do my part in my own little way. I hope this would inspire other people to help as well.”

Sa kabilang banda, nabalitaan naming agad dumiretso ng Catarman, Northenn Samar si Angel mula sa bakasyon sa Japan para muling magbigay ng tulong sa mga naapektuhan ni Tisoy.

Ang tindi ni Angel, kakauwi lang from Japan, pagtulong agad ang inatupag.

Pinagkaguluhan ang aktres nang nakitang namimili sa isang grocery store na ipamimigay sa mga apektado ni Tisoy.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …