Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ai Ai at Nora, pinagsasabong; ‘di puwede magkatrabaho?

SA mga susunod sigurong pakikiharap ni Ai Ai de las Alas sa entertainment press ay kailangang mas pag-ibayuhin niya ang pag-iingat most especially when the topic involves fellow celebrities na naunang dumating kaysa kanya sa industriyang ito.

Bagama’t inilahad ng sumulat ang kuwento sa pamamagitan ng blind item, literal na bulag din ang hindi makahuhula kung sino-sino ang mga pangunahing tauhan doon.

Kulang na lang kasi’y pangalanan si Ai Ai at si Nora Aunor sa rebelasyong mismong nanggaling sa komedyana.

Ang kuwento, ayaw daw ni Ate Guy na makasama si Ai Ai sa anumang proyekto sa GMA na kapwa nila kinabibilangan.

Kung sino ang mas naunang tumapak sa Kapuso Network ay si Ai Ai ‘yon. Taong 2015 nang mapadpad siya sa GMA makaraang hindi na ini-renew ng ABS-CBN ang kanyang kontrata.

Na-bad trip si Ai Ai bunsod ng kanyang huling pelikula sa Star Cinema, ang Past Tense na tinampukan noon nina Kim Chiu at Xian Lim na hindi gaanong pumatok sa takilya.

That time ay kasagsagan ng balitang rosy ang lovelife ni Ai Ai having found a boyfriend in Gerald Sibayan (now her husband) 20 years her junior.

Samantala, ilang tao lang noong mapadpad naman si Nora sa bakuran ng GMA. Royal treatment na dapat lang naman ang ibinigay ng estasyon kay Nora. After all (pahiram Anna Dizon ng iyong makasaysayang linya), Nora Aunor is Nora Aunor.

Bagama’t this can also be said of Ai Ai (Comedy Concert Queen nga ang bansag sa kanya, ‘di ba?) ay malayong-malayo ang agwat ng kanilang katanyagan. No comparison, kumbaga.

But this is not the bone of contention.

Ani Ai Ai sa kausap niyang press, ang dahilan daw kung bakit ayaw siyang makatrabaho ni Nora has something to do with Ai Ai being a self-confessed Vilmanian.

Alam naman nating lahat na kahit dekada sitenta pa ang Nora-Vilma rivalry ay mukhang ramdam pa rin ito.

Ewan kung paanong natuklasan ‘yon ni Ai Ai.

Hindi naman siguro ganoon kakitid ang utak ni Nora para umayaw sa sinumang artista na identified sa kanyang arch rival. Trabaho lang naman ito, walang personalan.

Besides, parang wala namang dahilan para pagsamahin sina Nora at Ai Ai sa isang programa sa GMA. Obviously, magkaiba sila ng tatak bilang artista.

Drama actress si Ate Guy, sa komedi naman nalilinya si Ai Ai. Ano, magpapatawa na rin si Nora para lang magsama sila?

Jumping into conclusion ang isiniwalat ni Ai Ai, na ang posibleng danger na nakikita namin ay ang iboykot ng mga nagkakaisang Noranians ang mga show niya sa GMA.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …