Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lovi Poe

Lovi, may project sa Dreamscape

NOON pa nabanggit sa amin ni Deo T. Endrinal, head ng Dreamscape Entertainment at Digital na gusto niyang makatrabaho si Lovi Poe, kaso paano nga namang mangyayari iyon, eh, nasa GMA 7 ang aktres.

Noong nauso ang lipatan ng artists sa dalawang networks ay natanong namin si Deo kung sino sa GMA star ang gusto niyang makatrabaho at nabanggit nga niya na si Lovi dahil bukod sa nagagandahan siya at nagagalingan ay gusto niya ang kulay nitong morena.

Kaya siguro ngayong nagkaroon ng libreng panahon si Lovi ay sinamantala na ng bossing ng ABS-CBN na makagawa siya sa iWant kasama si Zanjoe Marudo.

Base sa litratong ipinost ni Endrinal sa kanyang IG account na magkasama sina Zanjoe at Lovi, “Zanjoe Marudo & Lovi Poe, now shooting in Matera, Basilicata, Italy, directed by Connie Macatuno.  @dreamscapeph @iwantofficial.”

Si Direk Connie Macatuno ang direktor ng Lovi-Zanjoe tandem na wala pang sinasabi kung kailan mapapanood sa iWant. Hmm, excited kami dahil nakatitiyak kaming may pagka-sensual na naman ito, knowing direk, huh.

Teka, hindi na ba exclusive ang kontrata ni Lovi sa GMA dahil pinayagan siyang makagawa ng project na mapapanood din sa telebisyon? ‘Yun nga lang hindi naman direct competitor ang iWant kaya keri lang.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …