Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Intalan, balik-TV5; talk-show ibabalik din?

SA mga naka-miss ng Mexican novela ay mapapanood na ito sa TV5 sa 2020 dahil ibabalik na ang entertainment ng nasabing TV network na halos limang taon ding nawala.

Puro K-drama na ang napapanood sa ABS-CBN at GMA 7 kaya Mexican novella naman ang Singko para sa mga naka-miss dahil ito naman ang naunang offer noon ng dalawang network bago pa nauso ang Korean telenovela.

Sitsit sa amin, ”ang problema, puro mga sexy scene ang nabiling Mexican novelas, hindi kaya magka-problema ito sa MTRCB?”

Hindi naman na bago ito dahil ganito rin naman ang mga telenovela noong araw, katunayan, gumawa ng mga teleserye ang ABS-CBN na ipinalalabas sa Precious Hearts Romance na inspired sa Mexican novelas.

Anyway, balik TV5 na ang dating head ng Entertainment na si Perci M. Intalan base sa panayam kay  Cignal President at TV5 Chief Executive Officer na si Ms. Jane Basa kamakailan.

Nag-early retirement noong 2014 si Perci sa TV5 at nagtayo ng sariling kompanya ang IdeaFirst Company at katuwang ang partner niyang si direk Jun Robles Lana.

Naka-chat namin si PMI (tawag namin kay Perci) kamakailan tungkol sa pagbabalik niya na inanunsiyo mismo ng bagong hepe ng Singko.

“Ha ha ha kaloka nga, akala mo si Angel Locsin ang bumalik sa GMA! Ha ha ha ha! Consultant lang ako ng Programming, may IdeaFirst pa rin kasi ako. Pero siyempre mahal ko ang mga Kapatid natin kaya gusto ko rin silang tulungan sa abot nang makakaya ko,” saad niya.

Hindi na hands-on si Perci sa mga bagong project ng TV5.

“Ha ha ha hands on naman. Alam mo naman ako, ‘di ko ma-resist na hindi ako hands on. Pero hindi ako executive tulad ng dati. At kaya rin puwede pa akong labas masok sa ABS at GMA he he he,” paliwanag nito.

May mga project ang IdeaFirst Company sa iba’t ibang movie outfit at sa ABS-CBN iWant katuwang ang Dreamscape Digital gayundin sa GMA kaya siguro free lance ang estado ng executive sa TV5.

May plano bang ibalik ang talk show ng Singko dahil marami ang nakami-miss na nito?

“Depende pa eh. Iba ang committee na nagde- decide sa shows. Taga-reco lang ako at mas strategy ang hawak ko. Oo nga eh, hinanap nga ang ‘The Buzz’ noong kasagsagan ng away ng mga Barretto,” sagot sa amin.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …