Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cindy at Rhen, naghawakan ng maseselang parte ng katawan

SAYANG at hindi namin nakausap si Direk Roman Perez, Jr. kung ano ang mas gusto niya, award o kumita ang pelikula niyang ADAN na palabas na ngayong araw nationwide.

Alam naman ng lahat na kapag nabigyan ka ng R-16 rating ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB ay limitado lang ang makanonood nito, unlike ‘pag PG o R-13 dahil mas maraming audiences ito.

Kung tutuusin ay puwede namang putulin ni direk Roman ang maseselang eksena nina Cindy Miranda at Rhen Escaño pero hindi niya ginawa, bagkus ay ipinarebyu niya sa MTRCB ang pelikula ng as is.

At dahil napanood na namin ang Adan sa ginanap na premiere night nito sa SM Megamall Cinema 1 nitong Lunes ay totoo nga ang sinabi ng dalawang aktres na totoong tinablan sila sa mga matitinding love scene nila at totoong may wet scenes din.

Napapailing kami habang pinanonood ang halikan, hawakan ng boobs, hawakan ng maseselang parte ng katawan nina Cindy at Rhen na kuha sa ibabaw ng malaking bato malapit sa waterfalls at naririnig ang pag-agos ng tubig, ang ganda ng kuha dahil liwanag ng buwan ang pinaka-ilaw at ang background music ay ang awiting Himig ng Pag-ibig na bersiyon ni Shane Dandan na orihinal ni Lolita Carbon.

Nakatitiyak na kami, mano-nominate si direk Roman sa mga award giving body sa susunod na taon, ang ganda at napaka-artistic ng mga kuha niya. At siyempre, nominado rin tiyak sina Cindy at Rhen dito.

Maayos ang kuwento ng Adan na tungkol sa magkaibigang babae na nagkagustuhan dahil sa sitwasyong hindi maiiwasan. Simula pa lang ng pelikula ay alam mo na ang problema ng bawat karakter.

Pero nagulat kami na habang papatapos na ang pelikula ay na-reveal ang tunay na kuwento nina Cindy at Rhen.

Hindi namin nahulaan ang pagtatapos ng Adan, hanggang sa lumabas kami ng sinehan ay napapangiti kami, iyon pala ang gustong ending nina direk Roman at ng producer na si Yam Laranas, ha, ha, ha.

Teka, hindi ba ito isasali sa international film festival, sayang naman dahil sigurado kami mapapansin ito.

Ang galing nina Cindy at Rhen.

Nakita naming nanood sina direk Dan Villegas at Antoinette Jadaone, hindi na kami magtataka kung isa sa mga araw na ito ay isama na nila sa project nila sina Cindy at Rhen.

Anyway, ang Adan ay produced ng Viva Films, Aliud Entertainment, at Imaginepersecond at palabas na ngayong araw, Miyerkoles.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …