Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maine, isasama ni Arjo sa Dubai para mag-Bagong Taon with Atayde fam; Arjo, tumakas sa opening ng Sylvia Sanchez by Beautederm para makipag-dinner kay Maine

HINDI pa rin nawawalan ng pag-asa ang loyal supporters nina Alden Richards at Maine Mendoza na sa huli ay sila pa rin at panandalian lang ang relasyon ng dalaga kay Arjo Atayde, base na rin ito sa mga nabasa naming komento sa mga panayam ng huli sa Youtube.

As expected, kaliwa’t kanan ang pamba-bash nila kay Arjo pero hindi nagpabaya ang ArMaine Lovers dahil bawat salita mula sa AlDub ay tinatapatan nila ng magagandang ehemplo kung gaano kasaya ngayon sina Arjo at Maine.

Nagugulat nga kami dahil maraming alam ang ArMaine Lovers at iba pang supporters ng dalawa dahil alam nila kung kailan nagkikita at saan nagpupunta ang dalawa, daig pa nila ang reporters.

At dahil parehong clingy o sabihing mas clingy si Arjo kaysa kay Maine ay inaabangan ng lahat kung sasama ang dalaga sa bakasyon ng pamilya Atayde sa Dubai para roon salubungin ang Bagong Taon, 2020.

Hndi sumama si Arjo sa Korea na nagbakasyon ang pamilya niya at para sana sa advance birthday celebration niya noong Nobyembre 5 sa Korea kasi hindi niya makakasama si Maine, siyempre gusto niya kasama ang dalaga.

Kung tama ang narinig namin na December 27 ay tutulak pa-Dubai ang Atayde family at babalik ng Enero 4 o 5, matagal iyon para kina Arjo at Maine na hindi magkikita.

Hindi naman puwedeng hindi sumama si Arjo sa pagka­kataong ito dahil tradisyon na nila itong pamilya na magsama-sama kapag Bagong Taon bukod sa Pasko.

Ang tanong, isasama ba ni Arjo si Maine at papayagan kaya ang dalaga ng magulang niya na sumama sa pamilya ng boyfriend sa okasyong ito?

Abangan ang susunod na kabanata.

Arjo, tumakas sa opening ng Sylvia Sanchez by Beautederm para makipag-dinner kay Maine

SAMANTALA, sa ginanap na pagbubukas ng ikalawang store na Sylvia Sanchez by Beautederm sa 68 Roces Avenue, cor. Scout Reyes nitong Linggo, Nobyembre 17 ay may mga naghahanap kay Maine kung sasaglit bilang panauhin ni Arjo na isa sa endorser ng nasabing beauty product.

Pero waley pero pagkatapos ng blessing at kaunting chikahan sa mga bisita ay nawala na ang aktor dahil may dinner pala sila ni Maine.

Anyway, sabi ng ArMaine Lovers, at ibang supporters ng dalawa, “stay in love and always respect each other” na nangyayari naman dahil sabi nga ng ni Arjo, ”sobrang masaya kami tita kapag magkasama kami, puro lang kami tawanan, masaya lang, walang issues, walang pressure.”

Ganyan ang tamang takbo ng relasyon, ‘di ba Ateng Maricris?

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …