Monday , December 23 2024

Buwis sa POGOs ‘ipinataw’ ng Kamara

LEGAL na opinyon man ni Solicitor General Jose Calida na hindi na dapat buwisan ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), nagkakaisang ipinasa ng House Committee on Ways and Means ang panukalang patawan ng buwis ang nasabing pamumuhunan.

Batay sa House Bill 5257, limang porsiyento ang direktang ipapataw na franchise tax sa gross winnings ng POGOs at 25 porsiyento sa POGO workers na kumikita  ng P600,000 kada taon.

Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, chairman ng House Ways and Means Committee, ang opinyon ng OSG ay isang uri ng tax exemption na taliwas sa batas.

“OSG interpretation rises to the level of a tax exemption, the grant of which is intrinsically the duty of Congress,” ani Salceda.

Aniya, hindi bababa sa 138,000 empleyado ng POGO mula sa mainland China ay nasa mga lung­sod ng Pasay, Las Piñas at Parañaque ang nagta­trabaho at kumikita rito.

“The bets are made by people outside Philip­pines but is enabled by manpower and facilities inside the Philippines. So there is value added or income derived here there­fore taxable,” paliwanag ni Salceda.

Aniya sinasabi sa Basic accounting prin­ciple na  “Costs are recognised when revenues are recognised. So aren’t the wages here costs expensed by POGOs?”

Dagdag ni Salceda, sa 60 POGO na nasa bansa, 10 lamang ang naka­rehistro sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

“So therefore should not the 50 registered and the 100 illegal POGOs be of similar stature.”

Ani Salceda, dala­wang porsiyento ang ibinubuwis ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) bilang regulatory fee sa mga POGO imbes limang porsiyentong franchise tax.

Aniya P8 bilyon lamang ang nakokolekta ng PAGCOR sa dalawang porsiyentong ito saman­tala maaari silang komo­lekta hanggang P20-bilyon sa limang porsi­yentong buwis.

Sa panig ni Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin Jr., ang opinyon ng OSG ay taliwas sa Basic Rules and Principles of Philippine Taxation.

“‘Income derived within the Philippines is taxable,’ and since POGO is doing business in the Philippine soil and receiving protection from the government in the conduct of their business then they should be taxed,” ani Garbin.

ni GERRY BALDO

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *