Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Barbara ni Celso Ad, binigyan ng bagong twist

DINAGSA ang celebrity screening ng Barbara Reimagined na idinirehe ni Benedict Mique na hango sa horror film ni Celso Ad Castillo na Patayin Mo sa Sindak si Barbara na binigyan ng bagong twist.

Kasalukuyang napapanood na ito sa iWant na ang mga bida ay sina Nathalie bilang Barbara, JC de Vera, Mariel de Leon, at Xia Vigor.

Isinabay ang pagpapalabas ng Barbara Reimagined sa pagdiriwang ng ika-45 anibersaryo ng orihinal na iconic horror film ni Celso na pinagbidahan noon ni Ms Susan Roces.

Simula noon, nakilala ang pelikula bilang isa sa mga natatanging horror film ng Pinoy cinema at nagbunga ng iba pang remakes para sa iba’t ibang henerasyon ng viewers. Gumanap na bilang Barbara si Lorna Tolentino sa Patayin sa Sindak si Barbara noong 1995 at si Kris Aquino naman sa isang

ABS-CBN teleserye noong 2008.

Gaya ng ibang mga remake, tampok dito ang komplikadong kuwento ng dalawang magkapatid sa isang pelikulang puno ng paninindak.

Ngunit madaragdagan ng kakaibang takot ang bagong iWant movie dahil maghahandog ito ng isang nakagigimbal na twist sa istorya na hindi aasahan ng mga manonood.

Prodyus ng LoneWolf Films at ni Malaya Roxanne Santos.

(Reggee Bonoan)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …