Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cindy at Rhen, walang inggitan, walang sapawan

MAY sariling contest pala sa pag-arte ang dalawang bida ng ADAN na sina Cindy Miranda at Rhen Escano na ibinuking ng direktor nilang si Roman Perez, Jr..

“Noong tinanggap ko po ang pelikula, napansin ko lang sa dalawa na maganda ang chemistry nila. Pero higit sa lahat, si Cindy siyempre Binibining Pilipinas siya, mayroon siyang competitive mentality na ‘kailangan magaling ako rito.’ Ito naman si Rhen, mas competitive rin, ‘kailangan magaling din ako rito.’

“Kaya ‘yung scene nila na lagi ko namang ikinukuwento sa kanila na naglalaban sila para sa Best Actress ng pelikulang ito para sa sarili nilang contest, ganoon po ang nangyari na napansin ko bilang direktor,” kuwento ni direk Roman.

Parehong ayaw magpatalo sa isa’t isa sina Cindy at Rhen na nakaganda sa parte ng direktor dahil ito ang naging motivation nila sa isa’t isa.

“Naging advantage po sa pelikula, kasi hindi ko naman sila kilala ng personal kasi galing ako sa TV network,” saad ng direktor.

Ayon naman kay Cindy, “ I think, it’s a healthy competition kasi marami po tayong nakaka-trabaho, ako maraming nakaka-trabaho na inis na inis sa akin na wala naman akong ginagawa sa kanila na talagang hate nila ako, marami po talagang ganoon sa industriya. Thankful lang po talaga ako na si Rhen, napakabait na tao. ‘Yung connection po namin talaga, iba kasi puwede namang hindi kami maging okay, di ba? After the scene puwedeng mag-irapan na, may sinasabi sa isa’t isa, kaya ‘yung chemistry na sinasabi nila, nakita sa pelikula.”

Para kay Rhen, “Nakatulong po na walang halong inggit, walang halong sapawan sa aming dalawa kasi kapag nahaluan ng ganoon sa mga eksenang ginawa namin, hindi namin talaga mapu-pull off. Kailangan makita ng lahat na mahal na mahal namin ang isa’t isa kaya kailangan naming suportahan ang isa’t isa.  It’s a give and take process na nakatulong sa mga eksena naming dalawa. Kaya lahat po ng lovescenes, kissing scenes naming dalawa, wala pong tapon.”

Hindi naman itinanggi nina Cindy at Rhen na tinablan sila sa lovescenes nila. At ang huli ang bukas ang isipan na posibleng ma-in love sa kapwa niya babae, “kasi kapag nagmahal ka, hindi mo iisipin kung anong gender siya, basta’t mahal mo, ipaglalaban mo.”

Sa Nobyembre 20 na mapapanood ang ADAN mula sa Viva Films, Aliun Entertainment, at ImagineperSecond Productions.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …