Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Adan, umaasang mabibigyan ng R-16

BAGO ang presscon ng pelikulang ADAN kagabi sa Tiyo Craft Kitchen & Bar, Scout Rallos, Quezon City ay naka-chat namin si Direk Yam Laranas ng Aliud Entertainment na inspired of true events ang istorya nito na isinulat ng asawang si Gin de Mesa na idinirehe ni Roman Santillan Perez, Jr..

Si Direk Yam ang nag-conceptualize ng ADAN at siya na rin ang musical direktor na nakipag-collaborate kay Zild Benitez (lV of Spades). Ang theme song ng pelikula ay Himig ng Pag-Ibig na kinanta ni Shanne Dandan na ang orihinal nito ay ang bandang ASIN/Lolita Carbon.

Unang tanong namin kay direk Yam ay kung bakit Adan ang titulo ng pelikula gayung parehong babae ang bida na sina Rhen Escano at Cindy Miranda.

“Kasi, lalaki si ADAN. Pero, kailangan bang si Eba ay para kay Adan lang? Ang isang babae ay puwedeng magkaroon ng puso tulad ng kay Adan para sa kapwa babae,” sagot sa amin ng direktor cum producer.

As of this writing ay ipaparebyu palang nina direk Yam at Roman sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang Adan kahapon at umaasang mabibigyan sila ng R-16.

Say ng direktor, ”ADAN was inspired by real events. Same sex couples committing crimes and violence. A bit of both. Inspired ‘yung story sa local + foreign real events.”

Kadalasan naman na pinag-aawayan ng same sex relationship ay selos kaya anong bago, tanong namin kay direk Yam?

“Good question. ‘Yun ang usual. Pero, ‘yung case na na-inspire ako was about freedom niyong isang babae sa isang lalaki. Nag-interview kami ng maraming lesbians para hindi lalaki ang POV (point of view) ng story,” katwiran nito.

Dagdag pa, ”’Yung mga nangyari, unsolved pa. So, ‘ADAN’ is also the absence of a male figure in a relationship. So, we are doing our best na gumawa ng hindi usual same-sex story. Bottom line, entertaining.”

Bakit pawang baguhang artista ang bida?

“From auditions plus ‘yung papayag sa gusto ng director,” saad ng direktor.

Kapag auditions kailangan naka-topless din, ”acting only, bawal (topless) ‘yun sa amin.”

Maski hindi miyembro ng LGBTQ ay puwedeng manood, ”Not limited for LGBTQ+ kasi love story siya.”

Baguhan ang direktor ng Adan kaya tinanong namin si direk Yam kung bakit hindi siya ang nagdirehe.

“He directed SOL SEARCHING for To Farm Film Festival starring Pokwang (drama). I saw the potential niyong director with the right material so, ibinigay ko sa kanya ang ‘ADAN,’” pangangatwiran sa amin.

Anyway, ang Adan ay produced ng Aliud Entertainment at Viva Films at palabas na sa Nobyembre 20 nationwide.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …