Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hamon ng Palasyo: P20-B parked funds patunayan ni Ping

HINAMON ng Palasyo si Sen. Pan­filo Lacson na tukuyin ang P20-B parked funds sa panukalang P4.1 trilyong 2020 national budget.

Tiniyak ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kapag naituro ni Lacson ang tinagurian niyang P20 bilyong “parked funds” para sa Department of Public Wo4ks and Highways (DPWH) at Department of Interior and Local Government (DILG), ta­tang­galin ito ni Pangu­long Rodrigo Duterte.

“Tell Senator Lacson to point out what specific item in the GAA (General Appropriations Act) the P20 (billion) has been ‘parked’ and the pre­sident will remove it,” ani Panelo sa kalatas.

Matatandaan na noon lamang nakalipas na Abril naaprobahan ang 2019 national budget matapos maggirian ang Mababang Kapulungan at Senado sa isyu ng “pork insertions.”

Noong 2013 ay nag­pasya ang Korte Suprema na unconstitutional ang pork barrel dahil paglabag ito sa separation of po­wers bunsod nang pagpa­pahintulot sa mga mam­ba­batas na makialam sa paggasta ng budget taliwas sa tungkulin nila na gumawa lamang ng batas.

ni ROSE NOVENARIO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …