BAKIT nga ba barber shop ang unang negosyong itinayo ng mag-sweetheart na Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
“Kasi si Kathryn may Kath Nails na, na mostly for women, so napag-usapan namin ni Kath na dahil isa ako sa lalaking masyadong maselan sa pagpapagupit sa mga barbero. At saka ‘yung theme nitong Barbero Blues, pasok sa personalidad namin,” pahayag ni DJ.
At kaya naman napapayag si Kathryn sa negosyong barber shop ay dahil na rin sa payo ng inang si Mrs. Min Bernardo na kasosyo rin ng KathNiel bukod kina Karla Estrada, Ton Lao, Doc, at kapatid ng aktres na babae.
“Actually, si mama siya ‘yung nag-lead nito kung paano kami magkaroon ng barbers shop and all that. Sabi niya na-cater na namin ang girls with nails salon and sabi namin para sa boys naman barber shop. Sakto nga, habang nagpapalinis ‘yung wife mo sa nails salon, nandito naman ‘yung husband sa Barbero Blues,” paliwanag ni Kathryn.
May kasabihan kapag nag-joint venture na ang magkarelasyon ay pinaghahandaan na ang future nila.
“Ha, ha, ha, masaya lang, kasama namin dito, eh, parehong mga magulang namin, mga taong pinagkakatiwalaan namin at siyempre kaming dalawa. At outside of showbiz, eh, mayroon pa kaming ibang pinagkakaabalahan,” pahayag naman ni Daniel.
Pero wala pang investment na magkasama ang KathNiel dahil puro magulang palang nila ang humawak ng kita nila at in-invest ito sa mga lupa, paupahang condominium.
“As together, wala. Sina mama at tita Karla ang nagtuturo sa amin sa mga ganyang bagay. Ang dami naming napag-uusapang business, mga dream namin like vacation house, gusto ganito ang hitsura pero hanggang usap pa lang,” natatawang sabi ng aktres.
KathNiel teleserye, sa 2020 na
Samantala, sa 2020 na muling mapapanood na magkasama sina Daniel at Kathryn sa isang project.
“Next year kasi this year masyado kaming maraming lipad abroad for shows, early next year, doon na tayo magsisimula at magkikita-kita na naman tayo. Teleserye muna kami kasi ako kakatapos ko lang sa movie, so it’s DJ’s turn this time for a movie and wala pa lahat final details and for sure, maraming surprises next year and excited kami,” kuwento ni Kath.
Box Office Queen na ang tawag ngayon kay Kathryn na ayon naman kay Daniel, “matagal na niyang hawak ‘yun, ilang beses ba itong kukunan.”
“Very humble, very thankful and sana marami pang magawang pelikula na mamahalin ng tao kagaya ng pagtanggap nila sa previous films namin, thank you,” say naman ng aktres.
At matindi palang pinag-uusapan ng KathNiel kasama na ang mga taong nasa likod ng karera nila ang pakikipagtambal nila sa ibang aktor at aktres.
Say ni DJ, “pinag-uusapan ‘yun, pag-uusapan. Hindi naman ‘yan basta-basta ginagawa, lahat ‘yan pinag-iisipan at lahat naman naayos dahil sa pag-uusap.”
Anyway, ang nakaisip ng logo ng barber shop ay si Daniel kasama na ang interior design nito dahil isinunod niya ito sa hitsura ng bahay niya at ang mga kulay sa interior at gamit ay si Kathryn naman ang may suhestiyon.
ni Reggee Bonoan